LTFRB: Muling pinagpatuloy libreng sakay sa mga PUVs
- Published on September 17, 2021
- by @peoplesbalita
Pinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling pinagpatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga frontliners at medical workers na sasakay sa mga PUVs dahil sa tuloy na ulit ang programa sa service contracting (SCP) ng pamahalaan.
Mayron P3 billion na alokasyong pondo sa 2021 General Appropriations Act ang nakalaan para sa ikalawang yugto ng SCP ng pamahalaan.
Ang nasabing programa ay nahinto dahil noong nakaraang July ay nag expire ang pondo para sa SCP na nasa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.
“With the resumption of the program, free rides would be offered again for medical frontliners, essential workers and authorized persons outside of residence (APORs). It was re-launced last September 10, 2021,” wika ng LTFRB.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) hindi lamang sa Metro Manila ito gagawin at ipapatupad kung hindi sa iba pa rin regions ng bansa.
Halos may 31.6 million na mga Filipinos ang nabigyan ng serbisyo mula sa libreng programa ng gobyerno mula ng ito ay simulan.
Sa ngayon, tinatayang may kabuohang P1.5 billion na bayad ang nabigay na sa PUV operators at drivers na sumali sa nasabing programa.
“The SCP is one of the programs under the Bayanihan to Recover as Once Act wherein PUV drivers will receive additional income through performance-based incentives from the government. The program which also seeks to raise the level of service and efficiency in the country’s public transportation system, is offered to drivers of modern public utility jeepneys, traditional PUJs and passenger buses that are plying active routes,” dagdag ng LTFRB.
Nakasaad sa program na ang isang PUV driver ay bibigyan ng P46.80 hanggang P82.50 kada kilometro para sa buses at P52.50 ang laan para sa mga PUJs.
Hinihikayat naman ni LTFRB chairman Martin Delgra ang mga transport operators at drivers na sumali sa SCP.
“It provides operators and drivers an opportunity to earn based on the number of trips they run per week and make their operations sustainable whether they have passengers or none,” saad ni Delgra.
Inilungsad ang service contracting dahil na rin sa pagbabawas ng kapasidad ng pasahero sa mga sasakyan dahil sa pagpapatupad ng social distancing na nakaapekto sa take-home pay ng mga drivers at operators. Kung kaya’t kinakailangan dagdagan ang financial assistance sa mga mangagagawa sa pampubliko transportasyon. LASACMAR
-
National team para sa Vietnam SEA Games pinayagan na ng IATF mag-bubble training
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang bubble training ng mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Inilabas ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-0001 on Sports ang supplemental guidelines para sa pag-eensayo ng mga national athletes na lalahok sa […]
-
Window hour scheme para sa mga provincial buses, pinaiimbestigahan
PINAIIMBESTIGAHAN ng mga mambabatas ang ipinatutupad na window hour scheme para sa mga provincial buses makaraang ma-stranded ang maraming pasahero sa mga bus terminals nitong nakalipas na linggo. Sa House Resolution No. 2562, hiniling nina Bayan Muna Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, at Ferdinand Gaite sa House Committee on Transportation na siyasatin ang […]
-
PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang distant uncle na si FVR
KASALUKUYAN ngayong nagdadalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagpanaw ng kanyang “distant uncle” na si dating Pangulong Fidel V. Ramos. Sa kanyang official Facebook page, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya Ramos. “I extend my deepest condolences to the family of former President Fidel Valdez Ramos who […]