Paglipat ni LOVI sa ABS-CBN, malaking factor ang gagawing serye with PIOLO
- Published on September 17, 2021
- by @peoplesbalita
ILAN sa lumalabas na balita kung bakit daw lumipat ng ABS-CBN si Lovi Poe mula sa GMA-7, nandiyang hindi na ito ni-renew ng Kapuso network.
Meron din na hindi raw ito pumayag dahil mas mababa ang offer sa renewal of contract niya, kumpara sa nakaraan.
Pero ano man ang dahilan, siguro malaking factor rin ang in-offer na seryeng gagawin niya katambal si Piolo Pascual.
Napanood namin ang Korean series na Flower of Evil kunsaan, ang gagampanan niya ay ang role ng Korean actress na si Moon Chae Won, which is, ‘yung drama itself ay talagang maganda, pang-acting at kakaiba.
Pyscho drama ito though ang pinaka-challenge ng character, mas kay Piolo. Kaya siguro kahit naririnig namin dati na ‘di na gagawa ng teleserye, ‘di nahindian ang adaptation ng Flower of Evil.
Sa part naman ni Lovi sa network transfer niya, ang ganda ng ipinost niya bilang pasasalamat sa GMA at bago pa siya mag-post about her new network, ‘yun muna ang ginawa niya.
Bilib kami sa mga artistang lumilipat man, pero hindi nagbe-burn ng bridges.
Sey ni Lovi, “Mananatili sa Puso
“Hindi po biro ang 15 years. I would like to thank GMA for taking a chance on this unknown dreamer; for believing in me and supporting me all these years. I have utmost respect and gratitude to the network that has given me my roots and a heart full of memories.
“Thank you for planting my dreams. Thank you for giving it time, love and effort to water it.
“Punong puno ng pagmamahal
at pasasalamat ,
“Lovi Poe”
***
NGAYONG September ang talagang wedding date ni Kris Bernal sa kanyang fiancée na si Perry Choi.
Na-move na nga ito pero base sa caption ni Kris sa kanyang latest vlog. Mukhang may chance na mabago pa rin daw depende sa magiging quarantine classification ng IATF.
Ayon kay Kris, “The wedding preps will continue mapa-anong lockdown pa! Few more days before the wedding!! Are you excited? Though the wedding date is heavily dependent on the COVID-19 restriction announcement of IATF tomorrow! Again, there’s a possibility of moving it again. I’m hoping and praying na mag-open ang church as it’s really a dream of mine to walk down the aisle!”
Pero sini-share nga ni Kris sa kanyang vlog ang mga ginagawa nilang wedding preparation ng kanyang future husband. Pati ang pakikipag-usap nila sa simbahan kunsaan sila ikakasal.
Nagulat ito nang malaman na bawal sa bride na kitang-kita ang cleavage. Kaya sinigurado ni Kris na hanggang saan lang daw pwedeng medyo revealing ang front ng gown niya at the same time, hanggang saan lang din pwede yung backless gown.
Sey niya, “Naku, kailangan ko pa palang kausapin ‘yung (designer)… sige po, I’ll take note po.”
At parang humihirit pa ito at nagtanong kung may nangyari na raw na dumating sa simbahan ang bride na very revealing talaga ang gown. Sinagot naman ang tanong ni Kris, tuloy pa rin daw ang kasal, pero ang makakagalitan daw after ay silang mga in-charge.
Sa Magallanes Church ang wedding. Si Kris daw mismo ang pumili ng church dahil bet nito ang wide door ng church, ambience at lighting.
At sabi ni Kris, “Ako talaga, dream wedding ko talaga sa lahat ng napapanood ko sa movies, kahit sa mga seryeng ginagawa ko, gusto ko ‘yung opening ng door at doon lalabas si bride, gusto ko talaga ‘yun.”
Sa ending ng video habang tsine-check nito ang magiging invitation nila, umiral ang pagtitipid ni Kris.
Hirit niya, “Pwedeng ‘yung mura lang? Nagpapatayo kasi kami ng bahay, e. Every peso counts.”
(ROSE GARCIA)
-
Unahin ang kumakalam na sikmura ng mamamayan sa halip na pagtambak ng dolomite sa Manila Bay
Unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagtambak ng dolomite sa Manila bay Hinimok ng opisyal ng simbahan ang pamahalaan na unahing tugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng tao at ekonomiya. “Kung talagang ang problema ngayon […]
-
Patuloy na bina-bash sa pagsuporta kay BBM: Direk PAUL, itinanggi na sinabi niyang okay lang ma-cancel ng minority
ITINANGGI ni Paul Soriano, ang director na mister ni Toni Gonzaga at masasabi sigurong isa sa numerong unong supporter ni Bongbong Marcos na tumatakbo naman ngayon sa pagka-Presidente, na sinabing okay lang sa kanyang ma-cancel ng minority. Ni-retweet ni Paul ang lumabas sa isang news na nilinaw niyang wala raw siyang kina-cancel na […]
-
Ads September 16, 2024