• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

19,271 bagong COVID-19 infections sa Phl; active cases umakyat sa 178,196

Nadagdagan ng 19,271 ang bilang ng COVID-19 infections sa Pilipinas, dahilan para umakyat din ang active cases sa 178,196.

 

 

Ayon sa Department of Health (DOH), sa ngayon ang kabuuang bilang ng COVID-19 caseload sa bansa ay aabot na sa 2,366,749.

 

 

Sa naturang bilang, 178,196 ang active cases, kung saan 92.3 percent ang mild, 3.1 percent ang asymptomatic, 2.6 percent ang moderate, at 0.6 percent ang cricital condition.

 

 

Samantala, ang total recoveries naman ay umakyat sa 2,151,765 makalipas na 25,037 pang pasyente ang gumaling sa sakit.

 

 

Pumalo naman sa 36,788 ang death toll dahil sa nadagdagan ito ng 205 na bagong fatalities.

Other News
  • Pagsusuot ng face shields mandatory na sa Agosto 15

    Simula sa Sabado, Agosto 15 ay magiging mandatory na ang pagsusuot ng face shields sa sinumang bumibiyahe sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon.   Inatasan na ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr. ang lahat ng opisyal ng transportation sectors na istriktong ipatupad ang naturang polisiya sa mga lugar kung saan […]

  • PBBM, ipinag-utos sa El Niño task force na tiyakin ang “steady water, power supply”

    IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa El Niño Task Force na tiyakin na magkakaroon ng “steady water at power supply” sa buong weather phenomenon.     Ibinigay ng Pangulo ang kanyang direktiba sa isang pagpupulong kasama ang mga key officials sa State Dining Room ng Palasyo ng Malakanyang.     “Mitigating the effects […]

  • Pinoy na nakakaranas ng gutom, dumami!

    DUMAMI ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom, batay sa latest Social Weather Station (SWS) survey.     Ito ay makaraang makapagtala ng 12.6 percent na bilang ng pamilya na nagsabing dumaranas ng involuntary hunger o pagkagutom subalit walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.     Ang naturang percentage ng […]