• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy na nakakaranas ng gutom, dumami!

DUMAMI ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom, batay sa latest Social Weather Station (SWS) survey.

 

 

Ito ay makaraang makapagtala ng 12.6 percent na bilang ng pamilya na nagsabing dumaranas ng involuntary hunger o pagkagutom subalit walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.

 

 

Ang naturang percentage ng involuntary hunger rate noong Disyembre ay mas mataas sa 9.8% noong September 2023.

 

 

Sa nakalipas na tatlong buwan, iniulat ng SWS na ang insidente ng pagkagutom ay umakyat ng 5.3 puntos sa Mindanao, 4.0 sa Balance Luzon, at 2.6 sa Visayas samantalang 4.6 sa Metro Manila.

 

 

Ang Total Hunger rate ay tumaaas naman sa mga Self-Rated Poor participants na mula 7.7% noong Set­yembre 2023 ay naging 20.1% noong December 2023.

 

 

Ang Total Hunger rate sa Non-Poor ay bumaba sa 5.9% noong December 2023 mula sa 10.4% noong September 2023.

 

 

Ang survey ay ginawa noong December 2023 sa 1,200 adult Filipinos.

Other News
  • Pacquiao nagpaparamdam na!

    ISA pang exhibition fight ang niluluto ng kampo ni eight-division world champion Manny Pacquiao na target ganapin sa Enero sa susunod na taon sa Saudi Arabia.     Ito ang inihayag ni Pacquiao sa isang ulat kung saan makakaharap nito si dating sparring partner Jaber Zayani sa Riyadh, Saudi Arabia.     Ngunit nilinaw ni […]

  • QC gov’t, naghigpit lalo sa pagpapatupad health protocols

    Nagdoble ng paghihigpit ang Quezon City government sa pagpapatupad ng health protocols matapos na manguna sila sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).   Mayroon pa kasing halos 900 na aktibong kaso ang naitala sa lungsod at mahigit 742 na ang nasawi habang ang recoveries ay mayroong halos 25,000.   Sa […]

  • 7 pang testigo babaliktad pabor kay De Lima

    ILAN pang witnesses na dati nang tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang bawiin ang mga naunang testimonya kaugnay ng huling drug case ng opposition figure.     Kaugnay ito ng liham na ipinadala ng mga sumusunod na preso-testigo habang inihahayag ang kagustuhang bawiin ang mga naunang pahayag sa […]