• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 month to go: Bagong NBA season aarangkada na, ilang teams tiniyak na babawi

Eksaktong isang buwan mula ngayon, pormal nang magbubukas ang bagong season ng NBA.

 

 

Kaya naman sa susunod na linggo simula na rin ng puspusang training camps matapos ang pahinga ng mga players at koponan dahil sa NBA offseason.

 

 

Kasabay ng regular season tip off sa darating na October 19, ay ang selebrasyon din ng ika-75 anibersaryo ng liga.

 

 

Umaasa ang NBA na sa pagkakataong ito dahil mas marami na ang nabakunahan ay bahagyang babalik sa normal ang 2021-2022 season.

 

 

Kung maalala noong huling torneyo ay maraming players ang tinamaan ng COVID-19 at maging ang ilang mga staff kaya nagdulot ito ng pagka-postpone ng maraming games at gayundin ang kawalan ng maraming mga fans sa mga arena.

 

 

Ayon sa ilang mga eksperto, maraming surpresa sa mga basketball fans ang papasok na opening ng NBA dahil sa mga bagong mukha na mga bagitong players at nakakagulat na mga palitan ng mga players upang mapalakas pa ang kanilang tiyansa.

 

 

Kabilang daw sa mga teams na babawi at babandera sa agawan sa pag-usad sa playoffs sa bagong season ay ang mga sumusunod: Golden State Warriors, Miami Heat, Chicago Bulls, Boston Celtics, Los Angeles Lakers, Toronto Raptors, Minnesota Timberwolves, Indiana Pacers, at Charlotte Hornets.

Other News
  • ‘Di kami perpekto, pero wala kaming nilabag sa batas’ – ABS-CBN exec

    Pinabulaanan ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak na wala silang nilabag na batas kabilang ang anumang probisyon sa kanilang prangkisa na pinatotohanan naman ng dalawang regulator ng pamahalaan.   Kahit nangako silang magsilbi ng tunay, kinikilala naman ang kumpanya na hindi sila perpek-tong organisasyon na nagka-kamali na puwedeng itama.   “While our commitment to […]

  • TUMAKAS NA SOUTH KOREAN SA DETENTION CELL, NAHULI NA, 2 PA NAARESTO

    NATAGPUAN ng  Bureau of Immigration (BI) ang South Korean na tumakas mula sa kanyang detention cell sa Bicutan, Taguig City.     Ayon sa  elemento ng BI  intelligence division (ID) and fugitive search unit (FSU), naaresto si Kang Juchun, 38, sa kanyang condominium unit sa  N. Domingo St. sa Brgy. Ermitano, San Juan City ng […]

  • Famy, Laguna Mayor Pangilinan pumanaw na matapos dapuan ng COVID-19

    Pumanaw na ang alkalde ng bayan ng Famy, Laguna Mayor Edwin Pangilinan matapos dapuan ng COVID-19.     Kinumpirma ito ng kampo mismo ng 53-anyos na alkalde.     Ayon sa Public Affairs Office ng Laguna, dinala pa sa pagamutan ang alkalde noong Marso 15 dahi sa hirap itong huminga at noong araw din yun […]