• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MARCO, walang takot na maghubo’t-hubad at ‘di pumayag na maglagay ng plaster; tinalbugan sina MARCO G. at ALJUR

KUMALAT na sa social media at sa ilang gay websites ang daring photos ni Marco Gallo na kuha sa isang eksena sa pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.

 

 

Sa mga naturang photos, hubo’t hubad na naliligo si Marco at kita ang puwet niyang maputi, makinis at matambok.

 

 

Pumayag ang 20-year old Fil-Italian na gawin ang mga daring scenes sa movie para raw sa paghahanda sa mga susunod pang mature roles.

 

 

Wala raw kiyeme itong si Marco na maghubo’t hubad sa eksena dahil natural daw sa kanilang mga Europeans ang maligo na walang saplot sa katawan.

 

 

Inalok nga raw na mag-plaster si Marco para walang makita na private part niya. Pero ang aktor na rin ang tumanggi sa plaster at okey daw siyang gawin and eksena na walang takip ang nota niya.

 

 

Naging maingat naman daw ang direktor ng movie na si Darryl Yap na hindi lumabas na porno ang eksena ni Marco. Puro likod lang daw ang kuha sa aktor kaya magsasawa ang mga beki sa matambok na puwet nito.

 

 

Kung tutuusin, mas daring pa itong si Marco kumpara sa mga ginawang daring scene nina Marco Gumabao sa Just A Stranger at Aljur Abrenica sa Nerisa. 

 

 

Produkto si Marco Gallo ng Pinoy Big Brother 7 at nakarelasyon nito ang unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez.

 

 

***

 

NAGING emotional ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa social media nang magawa nilang maibiyahe na ang anak nilang si Thylane para mabisita ang lolo at lola nito na nakatira sa Madrid, Spain.

 

 

First time kasi na makapag-travel ni Thylane simula noong ipinanganak ito last year. Nagkataon na nagkaroon ng pandemya kaya hanggang sa bahay lang sila ng buong taon.

 

 

Ngayong taon lang din nagawa nila Solenn at Nico na maipasyal si Thylane sa beach at dahil okey na ang bumiyahe abroad, naisipan nilang lumipad for Spain para makilala na ng parents ni Nico ang kanilang apo.

 

 

Dahil first time daw sa isang international flight si Thylane, dalawang oras lang daw itong nakatulog sa buong 18-hour flight. Pero sulit naman daw ang biyahe nila dahil kinaaliwan si Thylane ng grandparents nito.

 

 

“Meeting her Abuelos for the first time and it was love at first sight for both parties. Let the adventures begin!” post pa ni Nico.

 

 

Halos maiyak naman daw ang mag-asawa nang kumain sila sa isang restaurant sa Madrid kasama si Thylane. First time din daw kasi na makakain sa isang restaurant ang kanilang anak.

 

 

Dahil sa pandemic, nagsara ang mga paboritong restaurants nila Solenn at Nico kaya never daw na-experience ng anak nila ang kumain sa labas at hanggang sa bahay lang daw nila ito kumakain.

 

 

***

 

 

SUMAILALIM ang Hollywood comedienne na si Amy Schumer sa isang major surgery for endometriosis.

 

 

Ayon sa WebMD: “Endometriosis happens when the endometrium, the tissue that usually lines the inside of a woman’s uterus, grows outside it. This tissue acts like regular uterine tissue does during your period: It will break apart and bleed at the end of the cycle. But this blood has nowhere to go. Surrounding areas may become inflamed or swollen. You might have scar tissue and lesions. Endometriosis is most common on your ovaries.”

 

 

Sa pinost na video ni Schumer sa Instagram, binalita niya na tinanggal na ang kanyang uterus at appendix.

 

 

“So, it’s the morning after my surgery for endometriosis and my uterus is out. The doctor found 30 spots of endometriosis that he removed. He removed my appendix because the endometriosis had attacked it. There was a lot, a lot of blood in my uterus and I’m, you know, sore and I have some, like, gas pains. If you have really painful periods, you may have #endometriosis.”

 

 

Ilan sa mga kaibigan ni Schumer na nagpadala ng “get well soon” messages ay sina Debra Messing, Padma Lakshmi, Vanessa Colton at Elle King.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 5k healthcare workers na mangingibang- bansa para magtrabaho, simula na sa Enero 1, 2021

    NAKATAKDANG magsimula sa Enero 1, 2021 ang bagong polisiya ng pamahalaan na pinapayagan ang 5,000 healthcare workers  na mangingibang- bansa para  magtrabaho kada taon.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aralan nina Pangulong  Rodrigo Roa Duterte at ng COVID-19 task force  ang nasabing usapin.   “Ipinairal ang balancing of interests kung saan tiningnan […]

  • Niregaluhan ng isang luxe electric guitar: JULIE ANNE, nakatanggap ng early Christmas gift mula kay RAYVER

    MUKHANG nakatanggap nang maagang Christmas gift si Julie Anne San Jose mula sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.       Niregaluhan ni Rayver ang isa sa coaches ng ‘The Voice Generations’ ng isang brand new Gibson electric guitar.       Makikita nga sa Instagram video ang pag-unbox ni Asia’s Limitless Star sa […]

  • 2 MIYEMBRO NG CRIME RING NA SANGKOT SA LUFFY CASE, PINA-DEPORT

    DALAWA sa hinihinalang miyembro ng crime ring sa  bayolenteng pagnanakaw sa Japan ay pina-deport na nitong Martes.     Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sina Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto, kapwa 38-anyos ay pinaalis na ng bansa na nasa maximum security  sakay ng Japan Airlines patungong Tokyo.     Sina Fujita at Imamura ay […]