• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng face shield, pinaluwag; sa 3Cs na lang – PDU30

“No more face shields outside.’

 

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules.

 

Ayon sa Chief Executive, ang face shield requirement ay para na laang doon sa sa 3Cs — “close, crowded, close-contact.”

 

“No more face shields outside… Ang face shield, gamitin mo lang sa 3Cs: closed facility, hospital, basta magkadikit-dikit, crowded room, tapos close-contact. So diyan, applicable pa rin ang face shield,” ayon sa Pangulo.

 

“Other than that, I have ordered kung ganoon lang naman, sabi ko then I will order that we accept the recommendation nitong executive department,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, kaagad niyang ipinag-utos ang implementasyon ng guidelines hinggil dito.

 

Matatandaang ang face shield requirements ay naging mainit na paksa at debate sa ilang bansa na mayroong kahalintulad na mandato sa Pilipinas dahil sa karagdagang gastusin sa mga ordinaryong mamamayan.

 

Maaalalang isa si Manila Mayor Isko Moreno ang nagmungkahi na itigil na ang pag-require sa face shield dahil bukod sa dagdag gastos ay pahirap lang umano ito sa mga tao.

 

Pero kaliwa’t kanang sagot ang agad binato ng Department of Health (DOH) at World Health Organization sa hirit ni Moreno. (Daris Jose)

Other News
  • KIM, napa-OMG! nang mag-comment si SHARON na pumuri sa kahusayan nila ni JERALD

    NAPA-OMG! si Kim Molina nang bigyan pansin ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang naging reaksyon sa trending na trailer ng Revirginized na pinost ni Direk Darryl Yap na wala pang isang araw ay naka-5 million views na.     Sa FB post ni Kim, “OG!!!!! Madam Dorinaaa. Balutin mo po ako ng hiwaga ng iyong […]

  • Ads March 24, 2023

  • Pinas, dapat na kumuha ng hudyat mula sa matapang na paninindigan ng Ukraine laban sa China- 2 presidential bets

    MAAARING matuto ang Pilipinas mula sa naging paninindigan ng Ukraine laban sa naging pag-atake ng Russia para idepensa ang teritoryo nito at soberenya laban sa China.     Ito ang magkaparehong posisyon ng dalawang presidential candidates sa idinaos na Presidential Debate ng CNN Philippines, araw ng Linggo.     Sa tanong kung ano ang kanilang […]