BUNTIS, 2 ELECTRICIAN KULONG SA BARIL AT P170K SHABU SA CALOOCAN
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug pushers kabilang ang 18-anyos na buntis matapos makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina John Patrick Chico, 20, electrician, Mark Anthony Asor, 21, electrician at Janelle Gozo, 18, pawang ng Brgy. 150, Bagong Barrio.
Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong validation at surveillance.
Nang makumpirma ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang Bagong Barrio Police Sub-Station 5 at 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy-bust operation sa Moises St., Brgy. 150, Bagong Barrio dakong alas-9:30 ng gabi kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng droga.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium transparent plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money, isang cal. 9mm pistol na kargado ng magazine at 3 bala.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591. (Richard Mesa)
-
Clarkson hinirang na nba sixth man of the year
Ipinagbunyi ng sambayanan ang pagkakahirang kay Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Utah Jazz bilang NBA Sixth Man of the Year kahapon. Tinalo ng 28-anyos na si Clarkson, ang lolang si Marcelina Tullao Kingsolver ay tubong Bacolor, Pampanga, para sa nasabing individual award ang kanyang Jazz teammate na si Joe Ingles at si New […]
-
Poverty rate sa PH, target na maibaba sa 9% sa katapusan ng termino ng Marcos administration – DOF chief
TARGET na maibaba ang poverty rate sa bansa sa katapusan ng termino ng Marcos administration sa taong 2028. Pagsisiwalat ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na ang naturang layunin ay bahagi ng medium-term fiscal consolidation framework ng ahensiya na iprinisenta sa unang Cabinet meeting ng pangulo. Hindi lamang daw […]
-
Planong online civil service exams matutupad – Palasyo
TIWALA ang Malakanyang na maisasakatuparan ng Civil Service Commission (CSC) ang plano nitong online civil service exams. Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nagkakaisa sila sa CSC sa planong online exam bilang pagsabay sa new normal ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Sinabi nj Presidential Spokes- person Harry Roque, hindi dapat maging hadlang […]