• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

STUDENT HEALTH PROFILING SA EDAD 12-17 SINIMULAN NA SA VALENZUELA

SINIMULAN nang ipatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Student Health Profiling para sa mga estudyanteng 12 hanggang 17 taong gulang dahil sa napipintong pagbabakuna sa mga menor de edad laban sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, Setyembre 22 ang simula ng profiling, at kung ang anak ay nag-aaral sa public school sa lungsod, makipag-ugnayan sa class adviser o school principal para sa Student Health Profile information sheet na maaaring makuha o i-fill-out sa pamamagitan ng Google Form.

 

 

Kung ang anak naman ay nag-aaral sa private school sa lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ay makikipag-ugnayan sa mga private school heads, at makipag-ugnayan lamang sa kanila o sa class adviser ng anak para makakuha ng Student Health Profile information sheet.

 

 

Para naman sa mga estudyanteng Valenzuelano na nag-aaral sa public o private schools sa labas ng Valenzuela, abangan ang ilalabas na URL/website link para sa online submission ng Student Health Profile.

 

 

Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod na tanging mga magulang/ authorized guardian lamang ang maaaring kumuha at/o mag-fill out ng Student Health Profile information sheet; italaga ang mga tamang impormasyon ng anak at; ipasa muli ang information sheet sa guro ng anak.

 

 

Ang pagbabakuna sa mga menor-de-edad sa Valenzuela ay bukas para sa mga estudyanteng nasa Grades 6 to 12 o nasa edad 12-17 taong gulang.

 

 

Giit ng Pamahalaang Lungsod, taga-Valenzuela man o hindi, basta’t nag-aaral sa lungsod ay maaaring mabakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Inaaasahan umano ng City Hall ang kooperasyon at suporta ng bawat magulang/guardian at mag-aaral sa inisyatibong ito, at hinimok ang lahat na magpabakuna na para sa magandang kinabukasan. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, tiniyak sa mga Cebuano ang patuloy na suporta mula sa gobyerno, tutuparin ang campaign promises

    PATULOY na magbibigay ng suporta ang administrasyon sa  mga Cebuano para makamit ang “development at economic prosperity” para sa buong bansa.     Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) sa Cebu City, sinabi ng Pangulo na pangangasiwaan ng kanyang administrasyon ang  implementasyon ng […]

  • ALESSANDRA, GLAIZA, CHARLIE, CRISTINE at lima pa, laban-laban sa Best Actress sa ‘44th Gawad Urian’

    INILABAS na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 44th Gawad Urian.     Nominado sa Best Picture Category ang Aswang, Hayop Ka, Kintsugi, Lahi Hayop, Midnight in a Perfect World, A Thousand Cuts at Watch List.     Best Director nominees naman sina Jay Altarejos (Memories of Forgetting), Alyx Arumpac (Aswang), Dodo Dayao (Midnight in […]

  • Inaming magkapangalan sana sila ng Megastar: JANICE, hiyang-hiya kay SHARON nang mag-apologize dahil kay GABBY

    SA latest YouTube vlog ni Snooky Serna, binalikan nga ni Janice de Belen ang paghingi ng tawad sa kanya noon ni Sharon Cuneta sa national television at ang pagso-sorry ni Gabby Concepcion nang muli silang magkatambal sa pelikula.     Ayon kay Janice, hinding-hindi raw niya makalilimutan ang paghingi ng paumanhin sa kanya noon si […]