• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkatengga ni Diaz dinokyu ng Malaysia TV

ITINAMPOK si 2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz sa isang television program sa Malaysia kung saan siya patuloy na stranded sapul noong Marso dahil sa Covid-19.

 

Pero patuloy na nagti-training para mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo ang 29-anyos, may limang talampakan ang taas at tubong Zamboanga City na dalaga sa Nadi Weekend, isang segment ng programa sa telebisyon na pinamagatang “The Stranded Champion” dahil sa may anim na buwan na niyang pagkatengga sa maunlad na Muslim country.

 

“I had a TV appearance on Nadi Weekend here in Malaysia. Thank you @AstroArenaHd for the experiences. For those that didn’t watch the AstroArena Documentary “The Stranded Champion” you can watch it on YouTube,” salaysay ng sundalo ng Philippine Air Force (PAF) sa isang post nitong isang araw sa kanyang Instagram account.

 

Sa nasabing bansa inabot ng lockdown si Diaz nitong Marso kasama ang iba pang miyembro ng national weightlifting team. Patungo dapat ang koponan sa isang Olympic Qualifying Tournament (OQT) bago nagsara ang mga bansa dahil sa pandemic kaya na may anim na buwan na roon.

 

Pero tuloy naming nagpapakondisyon ang reigning Asian Games at Southeast Asian Games champion sa naturang bansa. Katunayan sumali pa siya sa isang online international lifting tournament na kanyang napagtagumpayan ilang linggo pa lang ang nakararaan.

 

Sana magkatulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at PAF na mapauwi na ang ating barbelista sa ‘Pinas. Kawawa rin doon si Diaz, para naman makasama ang pamilya.

 

Matagal-tagal na rin ang pamamalagi niya roon, sana huwag siyang abutin doon ng Pasko o Bagong Taon. (REC)

Other News
  • Pinoy boxer Charly Suarez may napili ng bagong makakalaban

    MAY napili na si Pinoy boxer Charly Suarez na susunod na makakahaap para makamit ang world boxing title.     Matapos kasi ang technical knockout na panalo niya kay Jorge Castaneda ng US noong Setyembre 20 ay may ilang nakalatag na boksingero kung sino ang makakaharap nito.     Ilan dito ay sina WBO junior […]

  • Ex-NBA star Cedric Ceballos hiling ang dasal habang nasa ICU dahil sa COVID-19

    Nanawagan na rin ang NBA sa kanilang hanay para isama sa kanilang panalangin para sa recovery ang isang dating veteran NBA player na nag-aagaw buhay dahil sa COVID-19.     Una rito marami ang nagulat sa inilabas na larawan ni Cedric Ceballos kung saan nasa ICU siya at naka-intubate o oxygen mask habang nasa ika-10 […]

  • Bryan Quiamco hari ng Ho Chih Minh City International Marathon

    Giniyahan ni Bryan Quiamco ang pasabog ng Team Philippines 7-Eleven nitong Linggo sa 10th Ho Chi Minh City International Marathon 2022 sa Vietnam.     Kumawala sa 3-man lead pack sa 33K mark ang 36 na taong-gulang na Pinoy na tubong Kawit, Kauswagan, Lanao Del Norte pero residente na ng Roosevelt, Tibanga, Iligan City upang […]