• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbaba ng satisfaction rating ni Pdu30, hindi alarming- Malakanyang

PARA sa Malakanyang, hindi maituturing na alarming kundi “very good” pa rin ang pinakahuling satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa 75% base na din sa inilabas na survey ng SWS.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala namang Presidente na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit na ang eleksiyon.

 

Natural lamang ayon kay Sec. Roque na sa panahon ng eleksiyon ay humahanap ang mga kandidato ng paraan para bumaba ang rating ng Administrasyon para manalo.

 

At kung bumaba man aniya ang satisfaction rating ng Pangulo ay hindi naman ito mabilisang pagbaba.

 

Sinasabing may 3 porsiyento ng margin error kaya’t humigit kumulang ay di naman tatas ng 7 points ang ibinaba ng rating ng Panglo.

 

November 2020 naman ng makuha ng Pangulo ang pinakamataas na satisfactory rating na pumalo sa 84 percent sa kabila ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 19, 2020

  • PBBM tiniyak na papanagutin ang nasa likod na tumulong kay Guo na makalabas ng bansa… LET ME BE CLEAR: “HEADS WILL ROLL”

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may ulong gugulong sa pagtulong para makalabas sa bansa ang pinatalsik na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.         Sinabi nito na ang insidente ay nagpapakita ng kurapsyon sa justice system na siyang magpapahina ng tiwala ng publiko.     Giit pa ng […]

  • ALDEN, totropahin muna tapos jojowain ni JESSY; LUIS, tumatanaw ng utang na loob

    SA ‘jojowain’ o ‘totropahin’ challenge ng engaged couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, para sa kanila si Kapuso actor Alden Richards ay pwedeng “jojowain” o “totropahin” na pinost nila sa YouTube vlog ni Jessy.     Hindi pa pala nami-meet nang personal ni Jessy si Alden, pero tingin daw niya ay boyfriend-material ang […]