• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Poll workers, WHO vaccine trial participants, kinukunsiderang APOR- Malakanyang

SINABI ng Malakanyang na ang mga empleyado ng Commission on Elections (Comelec) at mga indibidwal na maghahain ng kanilang kandidatura para sa Eleksyon 2022 ay kinukunsidera bilang authorized persons outside residence (APOR) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

“The Inter-Agency Task Force approved the inclusion of all Comelec officials and employees as APOR,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Also considered as APOR during the filing of the Certificates of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination for Party-List Groups, and Certificates of Candidacy and Certificates of Nomination and Acceptance of aspirants for the May 2022 elections are the: chairperson/president, or in their absence the Secretary-Secretary-General or authorized representative of the political party, sectoral party, organization or coalition under the party-list system; aspirants or their authorized representatives; companions as authorized under COMELEC Resolution No. 10717,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Kabilang din sa APOR ang mga Comelec officials/personnel na inatasan na siyang magsumite o maghatid ng hard copies ng Certificates of Candidacy at iba pang related documents/materials sa Comelec Main Office.

 

Ang paghahain ng kandidatura ay nakatakda mula Oktubre 1 hanggang 8.

 

Idagdag pa rito, ayon kay Sec. Roque ang mga magpapartisipa sa World Health Organization Solidarity Trial for COVID-19 vaccines, na kinabibilangan ng researchers, workers, miyembro, at affiliate staff ng Solidarity Trial Vaccines Team, at maging ang health workers, ay pinapayagan sa interzonal at intrazonal movement kahit ano pa man ang community quarantine classification at ipinatutupad na granular lockdowns.

 

Ang target participants at eligible patients na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns, ayon kay Sec. Roque ay papayagan na umalis o lumabas ng kanilang bahay para sa dahilang kailangan sa clinical trial.

 

Gayunman, hindi naman papayagan na lumabas o umalis ng bahay ang mga nasa lugar na nasa ilalim ng granular lockdown. (Daris Jose)

Other News
  • May M.U. na sila ni Ysabel: MIGUEL, inaming naging sila ni BARBIE at ‘di maganda ang break-up nila ni BIANCA

    MARAMING naging rebelasyon ang Sparkle actor na si Miguel Tanfelix sa pagsalang niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’ Tinanong ang bida ng ‘Voltes V: Legacy’ tungkol sa mga Kapuso actresses na na-link sa kanya. Unang tinanong sa kanya ay si Barbie Forteza. Inamin ni Miguel na niligawan at naging sila ni Barbie. “Pino-post ko […]

  • Pinas, nagprotesta laban sa bagong “provocative acts” ng Chinese vessels sa South China Sea

    NAGHAIN  ng protesta ang Pilipinas laban sa bagong “provocative acts” ng Chinese vessels sa South China Sea.     Sa isang  tweet, sinabi ng DFA na nagpapatunog ng sirena at busina ang mga barko ng China sa gitna ng pagpapatrolya ng mga awtoridad ng Pilipinas na nagsasagawa ng “legitimate, customary, and routine patrols sa “territory and maritime […]

  • 19 nawawala habang halos 80,000 apektado dahil sa bagyong Jolina — NDRRMC

    Libu-libo ang apektado habang halos 20 naman ang patuloy na nawawala bilang epekto ng Tropical Storm Jolina, na siyang papalabas na ng Philippine area of responsibility ngayong hapon o gabi.     Ito ang lumalabas sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes ng umaga:   Nawawala (15) Apektadong residente (79,062) […]