• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEART, three years old palang mahilig na sa high heels at namakyaw ng branded shoes nang mag-sale si RUFA MAE

THREE years old pa lamang pala si Kapuso actress Heart Evangelista ay hilig na niyang magsuot ng high heels. 

 

 

Ikinuwento ito ni Heart sa kanyang vlog na ipinakita niya ang collections niya ng mga high heel shoes.  Three years old daw siya nang isuot niya ang high heels ng mommy niya at bumaba siya ng hagdanan nila, nadulas siya at nasugatan sa malapit sa right eye niya at halata hanggang sa ngayon ang pilat na iyon.

 

 

Hindi nakapigil kay Heart ang nangyari para hindi siya magsuot ng high heels, lalo na nang maging teen-ager na siya at hanggang 5’2” lamang ang height niya.

 

 

Para nga magmukha siyang mataas, naging hobby na niya ang bumili ng mga branded na high heel shoes na sa vlog niya ay kabisado niya kung kailan at saan niya binili iyon, usually kapag nagta-travel siya abroad, kasama raw sa budget niya ang pagbili niya ng high heel shoes.

 

 

Kahit daw noong nagdi-date na sila ng husband niyang si now Sorsogon Governor Chiz Escudero, kasama rito ang pagsa-shopping niya ng mga bagong labas na branded shoes.

 

 

At nang magkaroon ng sale ang actress na si Rufa Mae Quinto ng mga branded shoes nito, halos lahat ng size 7 shoes nito ay binili niya at a very low prices, may dagdag pang ibang items.

 

 

Tiyak na mapapanood natin ang mga collection of shoes ni Heart sa sinu-shoot niyang GMA’s I Left My Heart In Sorsogon, na gaganap niyang isang fashion model.

 

 

***

 

 

MARAMI nang nagtatanong noon kung ano ang real score sa pagsasama ng Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno. 

 

 

May rumor kasing nagkakalabuan ang pagsasama nila, kaya hindi na sila nagpu-post sa kani-kanilang social media tulad nang dati,  na magkasama sila at ng anak nilang si Skye.  Kahit nang mag-celebrate si Skye ng first birthday nito, hiwalay ang celebration nilang mag-asawa, kaya medyo nagkaroon ito ng controversies.

 

 

Pero ipinahayag ni Max sa zoom mediacon ng upcoming GMA Primetime teleserye nilang To Have And To Hold, na maayos ang pagsasama nila ng husband niya, hinahayaan daw siya ni Pancho na i-prioritize ang kanyang showbiz career. Kaya raw sa social media tahimik lamang sila dahil they have their own branding bilang artista.  Kaya very thankful siya to have a husband who supports her and who understands her.

 

 

“So okay lang naman if people wants to talk about us,” sabi pa ni Max.

 

 

“Kami lang talaga yung nakakaalam how our lives are and how we are as parents to Skye.  We filter what we show other people, because we like to keep our lives private.”

 

 

Kagabi nag-world premiere ang To Have And To Hold nina Max, Rocco Nacino at Carla Abellana pagkatapos ng Legal Wives sa GMA-7.

 

 

***

 

 

LAST Friday, September 24, nagkaroon ng week-end lovely beach trip ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy. 

 

 

Kita sa Instagram posts ng mag-asawa ang mga snapshots ng memorable getaway nila na hindi na binanggit kung saan sila nagpunta.

 

 

In-enjoy nila ang magandang sikat ng araw, and Dingdong shared a heartwarming photos of his family having fun on the beach, like ‘yung kasama ni Marian si Ziggy at si Zia na naglalaro sa buhangin.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • PBBM, pinag-aaralan na bigyan ng rice allowance ang mga empleyado ng gobyerno

    PINAG-AARALAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno para matulungan na mapagaan ang paghihirap ng mga consumers.     “I’m going to initiate, at least for the government workers, the rice allowance… part of the sweldo, ang pagbayad is in rice,” ayon kay Pangulong  Marcos, pinuno ng […]

  • YASMIEN, ipinakita sa vlog ang reunion nila ng dating ka-loveteam na si RAINIER

    KINILIG ang maraming netizens sa naging reunion nila Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.     Sa YouTube vlog ni Yasmien, nagkita ulit ang dating loveteam sa isang rehearsal ng All Out Sundays.      Pinagtambal sina Yasmien at Rainier pagkatapos ng first season ng StarStruck noong 2004 kunsaan sila ang tinanghal na First Prince and […]

  • Sara nag-alok ng tulong sa kandidatura ni BBM

    Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakipagkita siya kay dating Senador Bongbong Marcos Jr. sa Cebu para pag-usapan kung paano makakatulong sa kanyang presidential bid sa susunod na taon ang kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).     Kasabay nito, muling iginiit ni Sara na hindi siya tatakbong pangulo sa 2022 […]