• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HELPER TINARAKAN SA LEEG NG KAPITBAHAY, PATAY

DEDO ang isang helper matapos saksakin sa leeg ng kapitbahay makaraan ang pagtatalo nang magising ang suspek sa ingay ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.      

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak kanang bahagi ng leeg ang biktimang si Ramil Sola, 38 ng Blk 50 Lot 13 Phase 3 Area 2, Maya-Maya St., Brgy. Longos.

 

 

Patuloy naman ang follow-up operation ng mga pulis upang maaresto ang suspek na kinilalang si Eric Montillano, 28, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

 

 

Sa nakarating na report kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang dumating ang biktima sa kanilang bahay at sapilitang binuksan ang pinto nito na naging dahilan upang magising ang suspek na natutulog sa kabilang pinto dahil sa ingay.

 

 

Kinompronta ng suspek ang biktima na naging dahilan ng kanilang pagtatalo hanggang sa awatin sila ng saksing si Maricel Escoto, 39.

 

 

Matapos nito, umalis ang biktima subalit lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan siya ng suspek sa Maya-maya Stree at sinaksak sa leeg gamit ang isang matulis na bagay na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

 

 

Sa pagayag sa pulisya ng saksi, may matagal na umanong alitan ang biktima at ang suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Competency o kakayahan, pangunahing criteria sa pagtatalaga bilang Marcos admin officials

    WALANG  palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang  public managers ng gobyerno.   Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin  officials ay base sa  merito at kakayahan na magampanan ang kanilang  government functions.   Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor […]

  • Mga guro makakatanggap ng P1,000 bilang World Teachers’ Day Incentive – DepEd

    Inanunsiyo ng Department of Education na lahat ng mga public teachers ay makakatanggap ng P1,000 additional benefit matapos inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo para sa World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB).     Sa pahayag na inilabas ng kagawaran, inaprubahan ni Duterte ang P910 million na pondo upang mabigyan ang mga public teachers […]

  • NEW LINE CINEMA’S HORROR THRILLER “THE NUN II” SCARES UP STRONG NUMBERS AT THE PHILIPPINE BOX OFFICE

    [Manila, September 11] – New Line Cinema’s “THE NUN II” – the next chapter in the story of “The Nun,” the highest-grossing entry in the most successful horror franchise of all time, “The Conjuring” Universe – landed at the top of this weekend’s box office, coming in at #1 in its debut and taking in PHP […]