Mga guro makakatanggap ng P1,000 bilang World Teachers’ Day Incentive – DepEd
- Published on August 12, 2021
- by @peoplesbalita
Inanunsiyo ng Department of Education na lahat ng mga public teachers ay makakatanggap ng P1,000 additional benefit matapos inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo para sa World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB).
Sa pahayag na inilabas ng kagawaran, inaprubahan ni Duterte ang P910 million na pondo upang mabigyan ang mga public teachers ng P1,000 extra benefit.
Layunin nito ay upang kilalanin ang mahalagang papel ng ating mga tagapagturo sa pagtugon sa mga hamon ng pandemya, lalo na sa pagtiyak sa pagpapatuloy ng pag-aaral.
Kaugnay niyan, maglalabas ang DepEd ng mga alituntunin sa paglabas ng insentibo.
“Introduced during the administration of Secretary Leonor Magtolis Briones, the grant of WTDIB recognizes the vital role of our educators in addressing the challenges of the pandemic, especially in ensuring the continuity of learning,” bahagi pa ng statement ng DepEd. “With the ongoing preparations for School Year 2021-2022, we are grateful to our 900,000-strong teachers who have displayed their unwavering passion to serve and educate the Filipino youth. We shall issue the corresponding guidelines on the grant of the said incentive soon”.
-
PNP nag-inspeksiyon na sa National Museum
SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa loob at labas ng National Museum bilang bahagi ng pagbibigay ng seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Hunyo 30. Pinangunahan ni PNP Director for Operations MGen. Valeriano De Leon ang inspeksiyon alinsunod sa kautusan ni OIC-PNP PGen. […]
-
Ilang mga bansa pumayag na maglagay ng sundalo sa border ng Ukraine at Russia
NADAGDAGAN pa ang mga bansa na pumayag na maglagay ng kanilang sundalo sa Eastern European NATO countries bago pa man ang potensiyal na pagsalakay ng Russia sa Ukraine. Ilan sa mga dito ay ang Romania, Bulgaria at Hungary na maglalagay ng tig-1,000 mga sundalo sa Baltic states at Poland. Nauna ng […]
-
NAVOTAS’ COVID RESPONSE PINURI NI DUQUE
Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa matagumpay na pagtugon kontra Coronavirus Disease 2019 pandemic. Si Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga miyembro ng COVID-19 Vaccine Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team na bumisita sa Navotas Polytechnic College upang suriin ang cold room […]