• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, hindi madadamay sa Senate probe sa Pharmally – Roque

KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi madadamay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa ginawang pagbili ng gobyerno sa P8 bilyong halaga ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

 

“Absolutely not. Wala naman po silang ebidensya na nakukuhang may overpriced,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung ang imbestigasyon ay patungo sa pagdamay kay Pangulong Duterte.

 

“Anong maili-link kay Presidente? Ingay lang po. Desperado manalo sa eleksiyon,”dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Inamin ni Pharmally director Linconn Ong sa Senate probe na ang kompanya ay nangutang mula kay Michael Yang, dating economic affairs adviser ni Pangulong Duterte.

 

Noong nakaraang linggo, inamin din ni Pharmally official Krizle Mago na ang pinapakialaman ng mga empleyado ng Pharmally ang expiry dates ng face shield para sa health workers na binili sa kanila ng gobyerno.

 

Sinabi ni Sec. Roque na ang pag-amin ay hindi sapat para patunayan na ang ginawang pagbili ng pamahalaan ng medical supplies mula sa Pharmally ay irregular.

 

“This needs to be substantiated with physical evidence,” ani Sec. Roque sabay sabing “talk is cheap.”

 

Gayunman, hindi naman sinabi ni Sec. Roque kung magsasagawa ng imbesigasyon ang Justice department.

 

“It is up for them (Department of Justice) to decide,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, bago pa umamin si Mago, isang unidentified Pharmally warehouse worker ang nag-testify sa Senate blue ribbon committee na pinapalitan nila ang expiry dates ng face shields base sa utos ni Mago.

 

At nang tanungin ni Senador Richard Gordon “if that was the case and if Pharmally is swindling the government, ang sagot ni Mago ay “I believe so that is the case, Mr. Chair.”

 

Ani Mago, tumanggap lamang siya ng utos mula kay Pharmally corporate secretary at treasurer Mohit Dargani, subalit mariing itinanggi naman ng huli ang nasabin alegasyon.

 

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na patuloy na ipagtatanggol ng Pangulo ang legalidad ng Pharmally purchases sa kanyang regular Talk to the People address.

 

“The President will continue to answer these matters as a matter of discourse between two independent branches of government. Hindi masama ito,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • 2 kelot arestado sa baril sa Caloocan

    KALABOSO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang magwala at masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.     Sa nakarating na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 kahabaan ng 3rd Avenue, Brgy., 118, alas-9:00 ng […]

  • LRT 1 Cavite extension on time ang construction

    NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) na ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Project ay matatapos ayon sa schedule nito kung saan ito ay magiging operasyonal sa huling quarter ng taong 2024.       Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na sinabi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala, ang […]

  • PBBM, naniniwala na ‘Filipino hospitality’ ang nagmamaneho sa turismo sa Pinas

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mamamayang Filipino na ipagpatuloy lamang ang kanilang nakaugaliang tunay na mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa mga bisita para makatulong na isulong ang paglago at ang kabuuang economic development.     Sa kanyang pinakabagong vlog, ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano palaging itinatanong ng mga […]