• October 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT 1 Cavite extension on time ang construction

NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) na ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Project ay matatapos ayon sa schedule nito kung saan ito ay magiging operasyonal sa huling quarter ng taong 2024.

 

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na sinabi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala, ang construction ay nasa tamang schedule nito upang matapos on time ang LRT 1 Cavite Extension.

 

 

 

“We are on track to finish the Cavite extension on time. This is the reason we are here, to make arrangements with the LRMC and their contractors so this line will be operational as scheduled. We are expecting this line to be operational by September 2024. I am impressed with the status of the project,” wika ni Bautista.

Ayon sa updates ng construction, ang unang bahagi ng LRT 1 Cavite extension ay on time sa kanilang civil works. Lahat ng istasyon ay halos may 30 porsiyentong completion level.

 

 

 

Ang Dr. A. Santos istasyon ay may 48.03 porsiyento ng tapos, habang ang Ninoy Aquino ay may 34.06 porsiyento na rin ang tapos. Ang istasyon sa Redemptorist ay may naitalang 30.17 porsiento sa civil works.

 

 

 

Mayroon naman 37.12 porsi yento ang progress ng completion sa istasyon ng Asia World at 35. 47 porsiento naman ang estasyon ng Manila International Airport.

 

 

“From 20 at present, the LRT 1 Cavite extension targets to increase the number of railway stations to 28 upon completion of its three phases,” dagdag ni Bautista.

 

 

Naglalayon na ang proyekto sa LRT 1 Cavite extension ay makarating hanggang Bacoor sa Cavite kung saan madaragdagan ng 11 kilometro ang buong rail line.

 

 

Sinabi rin ng LRMC na ang mga istasyon ay makakatulong upang tumaas pa ang kapasidad ng LRT 1 kung saan ito ay magkakaroon at magiging 800,000 na pasahero kada araw.

 

 

Dahil din sa construction ng LRT 1 Cavite extension, inaasahang magkakaroon ng improvement sa commercial development malapit sa mga istasyon.

 

 

“Commuters can expect a comfortable, reliable and modern integrated transport by riding the LRT 1. Travel time from Pasay to Cavite will be cut down from an hour and a half to only 25 to 30 minutes,” saad ng LRMC.

 

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project. LASACMAR

Other News
  • Bigo ang mga umaasang ikakasal na: BEA, itinangging nag-prenup shoot sila ni DOMINIC sa Japan

    BIGO ang mga umaasa na ikakasal na sa lalong madaling panahon sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa prenup shoot daw ng dalawa sa Japan kamakailan.     Pasyal lamang at bakasyon ang ipinunta ng magkasintahan sa mga lugar sa Japan tulad ng Niseko, Otaru at Sapporo.     At dahil sa mga sweet […]

  • Speaker Romualdez pormal nang tinanggap ang P5.268-T Marcos proposed nat’l budget; tiniyak ang transparent sa pagpasa

    PORMAL nang natanggap ng Kamara ang Proposed 2023 National Expenditure Program (NEP).     Mismong si House Speaker Martin Romualdez, kasama sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co at vice chair Rep. Stella Quimbo na siyang humarap kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. […]

  • Sa naging selebrasyon ng 8th anniversary… JERALD, ‘di nagpakabog kay KIM pagdating sa ‘sweet messages’

    LAST July 21, nag-celebrate sina Jerald Napoles at Kim Molina ng kanilang 8th anniversary.     At katulad ng kanilang nakagawian, nagpasiklaban na naman ang magkarelasyon ng sweet messages para sa isa’t-isa sa social media, na kung saan kinabog ni Jerald si Kim.     Sa post ng aktor kasama ang photo nila ni Kim, […]