• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, duda na nage-expire ang face shield

DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na napapaso o nae-expire ang face shields.

 

Ito’y sa kabila ng naging paliwanag ng Department of Health (DOH) na ang medical-grade face shields ay mayroong “specific shelf life.”

 

Nauna rito, araw ng Biyernes sa Senate hearing ay napag-alaman na pinapalitan di umano ng Pharmally Pharmaceutical Corp. ang expiration date ng medical-grade supply na nakalaan para sa health workers sa unang bahagi ng pandemiya.

 

Sinabi ng Pangulo sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes na mahirap paniwalaan na ang isang piraso ng plastic ay nage-expire.

 

“Expiration? Mahirapan akong mag-ano ng expiry. Medisina siguro. Pero itong, makihiram lang ho ng plastik,” ayon sa Pangulo habang hawak ang isang face shield.

 

“Paano ito mag-expire? Unless abusuhin mo, itapon tapon mo, pero kung isuot mo lang, magandang pagkalagay, ganoon, paanong mag-expire ‘yan? Mag-expire, but maybe in about, it will take you about 10, 15 years. Ayan mag-expire ‘yan dahil sa scratches,” giit nito.

 

Dahil dito, inakusahan ng Pangulo si Senador Richard Gordon na pilit na namang gumagawa ng kahit na anong isyu para batikusin ang administrasyon.

 

“Itong sina Gordon, obvious na wala nang ibang mahanap na pupuwedeng ibato na issue against officials of the executive. Eh ako I am not bothered at all,” ani Pangulong Duterte.

 

Ang paliwanag naman ng DOH, ang medical-grade face shields ay mayroong “certain shelf life,” kung saan ang kalidad ng foams na nakakabit sa produkto ay maaaring mapasama “over time.”

 

Ang face shield na ginagamit kasi ng mga medical frontliners ay iba mula sa mga face shield na ipinabibili sa publiko, ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

“Just like any medical commodity, mayroon din pong tinatawag na shelf life. Ito pong face shields na binibili namin is not for the community,” ayon kay Vergeire. (Daris Jose)

Other News
  • AYALA MALLS CINEMAS BRINGS JAPANESE MEDICAL ACTION-DRAMA “TOKYO MER: MOBILE EMERGENCY ROOM” INTO THEIR EXCITING AND RARE EXCLUSIVES

    AN intense medical action-drama comes to life on the big screen exclusive at Ayala Malls Cinemas in Tokyo MER: Mobile Emergency Room, a Japanese film based on the award-winning television series of the same title.       In the film, a life-saving medical team is deployed when an explosion occurred at the Landmark Tower […]

  • Updated Red, Green, and Yellow List , inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 at ipinalabas ang updated Red, Green, and Yellow List nito epektibo Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15, 2021.   Ang bansang Latvia ay naka-classify sa ilalim ng Red List.   Inisa-isa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bansa/jurisdictions/territories sa ilalim ng Green […]

  • Dating Pangulong Ramos, pumanaw sa edad na 94

    PUMANAW na si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa edad na 94-anyos.     Ayon sa mga lumabas na report, namatay ang ika-12 pangulong ng bansa dahil sa komplikasyon sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).     Si Ramos ay naging presidente ng bansa noong 1992 hanggang 1998.     Nagtapos ito sa U.S. Military Academy […]