• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MOTOR SUMEMPLANG, SEKYU DEDBOL SA VAN

ISANG 51-anyos na security guard ang nasawi matapos aksidenteng magulungan ng isang van makaraang sumemplang ang kanyang sinasakyang motorsiklo dahil sa madulas na kalsada sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Vicente Tatel, 51, residente ng Brgy. Mamatid, Cabuyao, Laguna.

 

 

Kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang driver ng van na si Roland Yasis, 39 ng No. 29 Mabini, Poblacion, Batangas na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

 

 

Sa nakarating na ulat kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dakong alas-2 ng hapon, tinatahak ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo ang kahabaan ng Rizal Avenue Extesion galing ng Maynila patungong Monumento area.

 

 

Pagsapit sa 1st Avenue, Brgy. 120, biglang huminto sa madulas na bahagi ng kalsada ang biktima kaya’t sumemplang at tumilapon ito sa gitna ng lansangan na naging dahilan upang masagasaan siya at magulungan ng paparating na Jinbei van (UYI-440) na minamaneho ni Yasis.

 

 

Isinugod ang biktima ng rumespondeng ambulansiya ng Caloocan Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) sa naturang pagamutan subalit, namatay din ito. (Richard Mesa)

Other News
  • Drug suspect kalaboso sa P174K shabu sa Caloocan

    KALABOSO ang isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng mahigit P174K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa kahabaan ng Carnation […]

  • 80% ng bansa, maaaring isailalim na sa MGCQ sa July 16

    Inilahad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng mas maraming lugar na ang isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa darating na July 16.   Sa panayam, iginiit ni Lorenzana na dedepende sa datos ng coronavirus disease o COVID-19 ang quarantine measures sa bansa na magmumula sa Department of Health (DOH).   “Sabi nga […]

  • DILG, hiniling sa Facebook na alisin ang illegal e-sabong accounts

    NANAWAGAN ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Facebook na alisin ang ilang pages, grupo at accounts na di umano’y nanghihikayat sa mga Filipino na mag- online cockfighting o “e-sabong”.     Lumiham kasi si DILG undersecretary Jonathan Malaya sa social media giant na humihiling na i-block ang ilang Facebook pages at accounts […]