• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa general population, depende sa suplay ng bakuna- Malakanyang

NAKATAKDANG magpulong ngayon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para talakayin ang pagbabakuna sa general population na nakatakdang simulan sa susunod sa susunod na buwan.

 

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabakuna sa general population laban sa COVID-19 ay mananatiling depende sa suplay ng bakuna.

 

“Ang detalye ay hihimay-himayin ngayong Thursday sa IATF meeting mamayang alas dos, pero inaasahan natin na kapag sinabi natin na general population, siyempre po meron munang ilang lugar na magsisimula kasi depende rin ‘yan sa supply availability,” ayon kay Sec. Roque.

 

Binanggit ni Sec.Roque na ang bakunang Pfizer ay madadala lamang sa mga lugar na mayroong cold storage facilities.

 

Araw ng Martes nang ianunsyo ni Sec. Roque na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbabakuna sa general population, at maging sa mga menor de edad laban sa COVID-19 na sisipa sa susunod na buwan.

 

Ani Sec. Roque, ang pagbabakuna ay “approved in principle.”

 

Para naman sa mga kabataan na may edad 12 hanggang 17, tiniyak ni Sec. Roque na prayoridad ang mayroong comorbidities.

 

“Sa ngayon ay pinapa-masterlisting na natin ang ating mga kabataan, ang ating mga bagets, para kapag full blast na ang mga kabataan nandiyan na ang ating listahan,” anito.

 

Samantala, sa pulong pa rin mamyang hapon ng IATF, tatalakayin din kung palalawigin ang Alert Level 4 na ipinatutupad ngayon sa Kalakhang Maynila.

 

Ang Alert Level 4 — ay “second highest” sa bagong five-tiered alert level system ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila na mapapaso ngayong araw, Setyembre 30.  (Daris Jose)

Other News
  • DOH: Kaso ng dengue ng sumirit lagpas 45K ngayong mid-2022

    SUMIPA na sa mahigit 45,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula ika-1 ng Enero hanggang ika-11 ng Hunyo ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).       Batay sa National Dengue Data na iniulat ng kagawaran, Martes, 45,416 na ang bilang ng kumpirmadong kaso nito — bagay na 45% mas mataas […]

  • KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso

    KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamamagitan nang pag-alay ng isang native ritual sa kanya sa munisipyo ng Santa Fe noong nakaraang Sabado.   Ang ritwal ay pinangunahan ng council of leaders and ni Santa Fe Mayor Tidong Benito.   Kasabay nito, ang […]

  • Limitadong religious gatherings, pinapayagan para sa mga fully vaccinated na tao

    PINAPAYAGAN ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.     Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos magdesisyon ang National Task Force na ipagbawal ang “in-person religious gathering” para sa Pista ng Itim na Nazareno.     Bago pa ang […]