• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, pupunta ng US para magpasalamat sa suplay ng bakuna laban sa COVID-19

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari siyang magpunta sa Estados Unidos para pasalamatan ito sa pagsu-supply sa Pilipinas ng ilang milyong COVID-19 jabs.

 

Matapos makumpirma mula kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Estados Unidos ay magpapadala ng 5 milyong higit pa ng COVID-19 vaccine shots sa Pilipinas, pinuri ng Pangulo ang Washington.

 

“Ang bait ng Amerika. Baka pupunta ako doon. Just to thank the American government and its people,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi.

 

Matatandang, inanunsiyo ng US na magbibigay ito ng karagdagang $11.3 milyong na halaga ng COVID-19 assistance sa Pilipinas.

 

Ang pahayag ay inilabas ng National Security Council ng Estados Unidos matapos ang pakikipag-pulong ni US National Security Advisor Jake Sullivan kina Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin. Jr. at Defense Sec. Delfin Lorenzana sa Washington D.C.

 

Nagharap ang mga opisyal bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty.

 

Sinabi ng US na umaabot na $37 million ang naipagkaloob na tulong nito sa Pilipinas mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Ito ay maliban pa sa anim na milyong doses ng US-made vaccines na donasyon ng Amerika sa pamamagitan ng COVAX facility

 

Samantala, pinuri ni Sullivan ang Pilipinas sa pagtanggap ng Afghan refugees.

 

Tinalakay din sa pagpupulong ng mga opisyal ang nagpapatuloy na kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa terorismo at pagrespeto sa karapatang pantao.

 

Nakaharap din ni Locsin sa pagpunta niya sa US si Secretary of State Antony Blinken.

 

Pinag-usapan ng dalawa ang pagpapalakas pa sa alyansa at pagtutulungan ng Amerika at Pilipinas, ekonomiya at karapatang pantao. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Malakanyang, nakiisa sa buong mundo para sa pagdarasal na matapos na ang girian sa Ukraine

    NAKIISA ang Malakanyang sa bansa at sa buong mundo para sa pagdarasal para sa mas maaga at mapayapang resolusyon sa girian sa Ukraine.     “We reiterate the position of the Philippines that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in […]

  • Bangsamoro leaders, kinonsulta sa bagong lagda na Anti-terror bill

    TINIYAK ng Malakanyang na nakonsulta ang Bangsamoro leaders sa Anti-Terrorism Council sa pagpapatupad ng bagong lagdang batas na Anti, Terrorism Bill. Umapela kasi si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim na magkaroon ng “representation” ang kanilang rehiyon sa nine-man council. Aniya, required ang Anti-Terrorism Council, sa pangunguna ni Executive Secretary […]

  • Vaccination stickers sa mga bahay, suportado ng DOH

    Suportado ng Department of Health (DOH) ang istratehiya ng ilang lokal na pamahalaan na kabitan ng ‘vaccination stickers’ ang mga bahay o establisimiyento na ang mga nakatira ay mga ‘fully-vaccinated’ na kontra sa COVID-19.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kung isa ito sa istratehiya ng mga lokal na pamahalaan na […]