• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bangsamoro leaders, kinonsulta sa bagong lagda na Anti-terror bill

TINIYAK ng Malakanyang na nakonsulta ang Bangsamoro leaders sa Anti-Terrorism Council sa pagpapatupad ng bagong lagdang batas na Anti, Terrorism Bill.

Umapela kasi si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim na magkaroon ng “representation” ang kanilang rehiyon sa nine-man council.

Aniya, required ang Anti-Terrorism Council, sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na magsagawa ng konsultasyon sa mga lider ng BARMM, pero hindi nga lang umano full membership.

Ang council ani Sec. Roque ay binubuo ng national security adviser at mga kalihim ng foreign affairs, defense, interior, finance, justice, at information and communications technology, kasama ang executive director ng Anti-Money Laundering Council na siyang bubuo ng implementing rules and regulations ng bagong batas.

Magugunitang, una nang umapela ang mga lider BARMM kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-veto ang Anti-Terrorism Bill, dahil sa hindi malinaw na depenisyon ng terorismo, surveillance sa mga suspek, interception at recording ng communications, at pagkulong nang walang judicial cause of arrest. (Daris Jose)

Other News
  • Krudo papalo na sa P100 kada litro

    PINANGANGAMBAHAN na sa lalong madaling panahon ay pumalo na sa P100 ang halaga ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa bansa.     Nitong Martes (Marso 8) naitala ang pang-10 at pinakamataas na price increase sa diesel na P5.85, gasolina na P3.85 at P4.10 sa kerosene sa kada litro simula nitong Enero 2022.   […]

  • CHED, dumepensa sa umano’y ‘misuse’ ng P10-B fund

    IPINAGTANGGOL ng Commission on Higher Education (CHED) ang paggamit umano ng P10 billion halaga ng pondo, para sa mga scholarship ng mga mag-aaral sa tertiary, na inaangkin ni Northern Samar 1st district Representative Paul Daza na ginagamit sa maling paraan.     Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Commission on Higher Education o CHED chairman Prospero […]

  • Napi-pressure sa pagiging first endorser ng ‘Hey Pretty Skin’: BEAUTY, hihirit pa nang another five years bago mag-retire

    ANG versatile actress na si Beauty Gonzalez ang newest face and first ever celebrity endorser ng Hey Pretty Skin.   Ang grand welcome at pagpapakilala sa kanya ay ginanap sa Crowne Plaza Hotel. Pinangunahan ito ng CEO ng Hey Pretty Skin na si Anne Barretto.   Ayon sa magandang businesswoman, “we would like to welcome […]