• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1.4 B MRT 4 tuloy na

Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Spain-based design consultant IDOM Consulting, Engineering, Architecture SA ang isang consultancy contract para sa detalying architectural at engineering design na itatayong Metro Rail Transit Line 4 (MRT4).

 

 

Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. Mangangaling ang pondo mula sa Asian Development Bank (ADB)

 

 

“Aside from the preliminary, design, detailed engineering and tender design, IDOM will also prepare the financial and economical assessments as well as loan processing, project safeguards and bidding documents for the MRT 4 project,” wika ng DOTr.

 

 

Naatasan rin ang IDOM na alamin ang tamang mode ng transportasyon sa alignment at magbigay ng methodology sa ridership validation.

 

 

Sinimulan ang mobilization ng proyekto nang ang DOTr ay nagbigay sa IDOM ng notice of award noong September 17.

 

 

Ang MRT 4 ay isang proyektong mass transit system na siyang magsisilbing dugtong sa eastern part ng Metro Manila kasama rin ang may mataas na populasyon na bayan at ciudad tulad ng Antipolo, Cainta, Taytay, Binangonan, Tanay, at ibang pang lugar na malapit sa probinsiya ng Rizal.

 

 

“The railway will cut across the cities of Mandaluyong, San Juan, Quezon, Pasig as well as the municipalities of Cainta and Taytay in Rizal to address traffic woes and limited road capacities in the highly populated areas of eastern Metro Manila,” dagdag ng DOTr.

 

 

Ang nasabing proyekto ay makapagbibigay ng karagdagan trabaho, kabuhayan at negosyo sa mga Filipinos.

 

 

Inaasahang masisimulan ang pagtagtayo ng MRT 4 sa ikalawang quarter ng taong 2022. LASACMAR

Other News
  • Bakit naka uniform si Fajardo pero hindi naglaro sa SMB vs Magnolia?

    JUNE Mar Fajardo ay naghahanap na maglaro sa susunod na laro ng San Miguel sa PBA Commissioner’s Cup habang naghihintay ng clearance mula sa mga doktor.   Sa wakas ay nagpakita ng uniporme ang six-time.MVP noong Miyerkules, ngunit hindi pinasok ni coach Leo Austria sa 85-80 pagkatalo sa Magnolia noong Miyerkules ng gabi sa Smart […]

  • Asian Games ililipat sa 2023?

    POSIBLENG makansela ang 2022 edisyon ng Asian Games na idaraos sa Hangzhou, China sa Setyembre 10 hanggang 25.     Ito ang usap-usapan sa China kung saan pinag-aaralang ilipat na lamang ito sa susunod na taon.     Nais ng mga organi­zers na ipagpaliban muna ito dahil mainit pa rin ang coronavirus disease (COVID-19) sa […]

  • P15 bilyong pondo para sa silid-aralan, aprub na sa DBM

    INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman noong ika-15 ng Mayo 2023 ang pagpapalabas ng pondong aabot sa P15,151,709,646.00 para sa pagpapagawa ng 4,912 na mga silid-aralan sa 1,194 sites o lugar sa buong bansa. “Ang napapanahong pagpapalabas ng pondo na pawang hiling ng Department of Public Works and Highway […]