2 tulak nasakote sa Caloocan buy-bust
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG kawala ang dalawang hinihinalang drug pushers matapos bentahan ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy- bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police deputy chief for administration PLTCOL Ilustre Mendoza naarestong mga suspek na si Ian Lester Catalan, 24 ng Misamis St. brgy. 153 at Norman Sta. Ana, 40, ng Malolos Ave. Brgy. 154.
Ayon kay PLTCOL Mendoza, dakong 1 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Caloocanb Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warriors sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo at P/Capt. Jeraldson Rivera ng Bagong Barrio SS5 ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Miraclre st. Brgy. 153, Bagong Barrio.
Nang tanggapin ng mga suspek ang P1,000 marked money mula kay PCpl Mark Christian Cabanilla na nagpanggap buyer kapalit ng isang medium size brick cling plastic ng pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops at agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Narekober sa mga suspek ang 4 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P27,000 ang halaga, 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops na nasa P60,000 ang halaga at buy- bust money.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Creamline VS Petro Gazz; Chery Tiggo VS Cignal
Sinisikap nina Creamline at Chery Tiggo na i-sustain ang kanilang big elims run ngunit sina Petro Gazz at Cignal ay papasok sa semifinals na may matinding gutom at pagmamalaki habang umiinit ang aksyon sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig ngayong araw (Huwebes) . At ang round robin format ay […]
-
25K trabaho sa mga Pinoy sa Japan binuksan
NASA 25,000 job opportunities ang iniaalok para sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa Japan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Ang special job fair ay ay gaganapin sa Agosto 1, 2024 sa Robinsons Galleria Ortigas sa Quezon City alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon na inorganisa ng […]
-
Mga motorsiklo papayagan na dumaan sa bike lane sa Valenzuela
INANUNSYO ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian na papayagan na ang mga single motorcycle na dumaan sa designated bike lane sa lungsod simula December 25, 2022. Ito’y base sa nilagdaang City Ordinance No. 1064, Series of 2022, kung saan ang mga single motorcycle ay puwede na gamitin ang bike lane sa kahabaan ng […]