• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 4th, 2020

‘DAANG DOKYU’ CLOSES WITH 6 FILMS FOR THE SECTION CALLED ‘FUTURE’

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IMAGINE behind-the-scenes footage from the sets of Lav Diaz, Erik Matti, Dan Villegas, and Dodo Dayao repurposed into an uncanny narrative summoning present-day milieus involving police, prisoners, and fascism.

 

That’s John Torres’ We Still Have to Close Our Eyes (2019), which will have its Philippine debut at Daang Dokyu on October 30, 2020. The film depicts actors as human avatars controlled by apps in scenes that are both familiar and unfamiliar, both real and fictional.

 

It will highlight “Future: Ganito Tayo Ngayon, Paano Sila Bukas,” the last program of the film festival, which is slated from October 30 to November 5, 2020.

 

Aside from We Still Have to Close Our Eyes, the other films in the program are Kiri Dalena’s Alunsina (2020), which had its premiere at Daang Dokyu’s opening program; Jet Leyco’s For My Alien Friend (2019); Manuel Mesina III’s Beastmode: A Social Experiment (2018); Tad Ermitaño’s Retrochronological Transfer of Information (1994); and a 48-hour rerun of Aswang by Alyx Arumpac.

 

To close the festival program, we put together six films under this section called “Future”. These documentaries demonstrate both the new and the classical. On one hand, they present documentary as a form that is evolving in multiple directions, antiquating notions that separate fiction and non-fiction, unafraid of new technologies that break the dearly kept singularities of cinema and television and proposing new languages and ways of seeing. At the same time, these films and their filmmakers, true to the classical documentary, are concerned with ethics, firm in seeking and speaking the truth, and troubled in their evocation of the zeitgeist. These are films that are hard to unsee because they represent both what is to come and what insists on staying the same—whether in documentary or in our lives.” says Jewel Maranan, one of the festival directors.

 

In Alunsina, Dalena explores both the potentials and limits of engagement within a community that is facing trauma. Working closely with human rights organizations, she finds herself documenting the struggles of children and families in an urban settlement severely affected by the government’s war against drugs an ideology that has led to thousands of extrajudicial killings of suspected drug users, and has left hundreds of children whose parents died as victims. Here, she engages with another family whose child has resorted to drawing pictures to cope with such tragedy and again confront the complexities in communicating the violence they’ve witnessed.

 

Dubbed as a “documentary of brief encounters”, For My Alien Friend is a philosophical musing on the nature of being. Leyco uses footage from the mundane to create an honest depiction of humanity, using an imaginary alien friend as a filmic device that serves as the driving force of the narrative.

 

Beastmode is a social media experiment involving the altercation of two Filipino celebrities that goes viral and exposes the festering wound of Filipino institutions and society — from media and social media to entertainment, business, and politics.

 

Retrochronological Transfer of Information is inspired by the works of physicist Subrahmanyan Chandrasekhar and philosopher Enryo Inoue, this 16mm film documents the experiments of a modern-day scientist who attempts to communicate with Jose P. Rizal, the Philip- pine National Hero who was executed by the Spanish in 1896.

 

Aswang follows people whose fates entwine with the growing violence during the first two years of extrajudicial killings in Manila.

 

The films are free to view at DaangDokyu.com/watchnow.

 

“It’s been a great six weeks. We are overwhelmed and grateful for the response of people from all walks of life who, from their screens and homes, shared in a collective discovery of Philippine documentaries. Even during this time of crisis, they allowed their minds to wander with us in time and in diverse territories of the Filipino story depicted in the curated programs of Daang Dokyu. We hope they found the films close to home and, at the same time, allowed them to expand what they know of home” adds Jewel Maranan.

 

Aside from the film screenings, Daang Dokyu explores the future of documentaries further in a talkback entitled “Reality Check: Ganito Tayo Ngayon, Paano Sila Bukas?”

 

The talkback will focus on the impact of the internet, social media, and digital technology on the direction of filmmaking, as well as on democracy and the future of our society in the current climate of disinformation and imbalance.

 

The panel, which will include John Torres, Jet Leyco, and Manuel Mesina III, will be moderated by artist Mae Paner. Digital rights advocate, Philippine Internet Freedom Alliance, Foundation for Media Alternatives Nica Dumlao, and musician and social activist Kakie Pangilinan will also join the panel.

 

Daang Dokyu, the home of Philippine documentaries, is initiated by the Filipino Documentary Society (FilDocs), founded by documentary filmmakers Jewel Maranan, Kara Magsanoc-Alikpala, Baby Ruth Villarama, and Coreen Jimenez. (ROHN ROMULO)

PBA, DODOBLEHIN ANG MGA LARONG GAGAWING SA KANILANG MULING PAGBABALIK

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA agad na apat na laro ang Philippine Basketball Association (PBA) sa araw ng Martes, Nobyembre 3.

 

Kasunod ito sa pagpayag ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na ituloy na ang mga laro matapos na wala ng lumabas na positibo sa coronavirus.

 

Sa pinakahuling COVID-19 testing ay nagnegatibo lahat ng mga manlalaro at coaching staff ng 12 koponan na nasa bubble sa Angeles City, Pampanga.

 

Magsisimula ang laro ng 10 ng umag sa pagharap ng San Miguel Beermen kontra Blackwater na susundan ng Terrafirma laban sa Phoenix ng 1 ng hapon na susundan ng alas-4 ng hapon sa laban ng NorthPort at TNT Tropang Giga at haharapin ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra dakong 6:45 ng gabi.

 

Sa kabuuan ay mayroong apat na laro na isasagawa hanggan sa pagtatapos ng eliminations sa Nobyembre 11.

 

Tiniyak ng PBA na mas paiigtingin nila ang ipinapatupad na protocols at Mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa IATF at National Task Force.

 

Magugunitang nitong Biyernes ay kinansela ang mga laro matapos na magpositibo ang ilang manlalaro at referee habang nasa bubble game.

PDu30, inabsuwelto si Customs Chief Rey Guerrero mula sa talamak na katiwalian sa BOC

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INABSUWELTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bureau of Customs Chief Reynaldo Guerrero mula sa katiwalian sa ahensiya.

 

Sa katunayan ay nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Guerrero sa kabila nang nagpapatuloy na talamak na korupsiyon sa ahensiya.

 

Giit ng Pangulo ay hindi kasama rito si “Jagger” na ang tinutukoy ay si Commissisoner Guerrero.

 

Binigyang diin ng Chief Executive na kuntento siya sa trabaho ni Guerrero sa Customs at maganda naman ang ipinapakita nito. Aniya, marami ng sinibak sa puwesto si Guerrero sa BOC dahil sa katiwalian.

 

“Well, I am not — I am excluding Jagger. Kaya ko iniligay siya diyan eh. He is working well. Marami na siyang napaalis,” ayon sa Pangulo

 

Sa public address ng Pangulo ay inihayag nitong 20 ang nadismiss sa BOC habang nasa 1 daan at 35 ang under investigation at 45 ang naasunto na ng kasong administratibo na sabi naman ng Presidente ay dapat ding makasuhan ng kasong criminal.

 

“Sa… Hindi ko na lang basahin. Sa Customs, 20 na ang dismissed talaga. Apat ang suspendido, kaya siguro iniimbestiga pa. Four, reprimanded lang, 135 investigated by the BOC-Customs Intelligence and Investigation Service. So iniimbestigahan pa. Forty-five charged with administrative cases before the BOC-Legal Service,” aniya pa rin.

 

“Now, dito sa administrative, hindi ako… I’m not satisfied. There has to be a law being — to charge with administrative… I’d like to call the Customs na criminal pati administrative talaga. And dito sa… Ito namang sa PhilHealth na ‘yung that’s what I cannot under- stand,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

22 Navoteños tumanggap ng bike at cellphone mula sa DOLE

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang 22 mga Navoteños mula sa informal work sector ng libreng bisikleta at Android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o FreeBis (Bisekletang Pangnapbuhay) ng DOLE.

 

Pinangunahan ang turnover ng mga bisikletra at cellphone nina Navotas Congressman John Rey Tiangco at DOLE CAMANAVA Director Rowella Grande.

 

Ayon kay Cong JRT, maaaring gamitin ang mga ito ng mga benepisyaryo para makatulong sa kanilang online o loading business.

 

Ang FreeBis bikes ay kumpleto na sa mga gamit kasama ang helmet, raincoat, vest, water bottle, at thermal bag. Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng android mobile phone na may P5,000 load.

 

Kaugnay nito, sampung frontliners naman na naglilingkod sa Navotas City Hospital at City Health Office ang napaghandugan ng bike ni Navotas Mayor Toby Tiangco.

 

“Ito ay bilang pagbibigay- pugay sa kanilang pagsasakripisyo at pagsisilbi sa atin sa kabila ng panganib at hirap na dulot ng COVID-19. Lubos po tayong nagpapasalamat sa kanila at dasal natin na parati silang ligtas sa anumang sakuna”, ani Mayor Tiangco. (Richard Mesa)

AFP PUSPUSAN ANG GINAGAWANG DISASTER RELIEF OPS AT DAMAGE ASSESSMENT

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUSPUSAN ngayon ang isinasagawang search, rescue and retrieval and clearing operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly.

 

Ongoing na rin ngayon ang isinasagawang relief distribution ng militar kasama ang DSWD.

 

Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nakatutok ang lahat mga ground commanders sa humanitarian, disaster and relief operations.

 

Subalit naka-alerto rin laban sa mga rebeldeng grupo na samantalahin ang isinagawang humanitarian and disaster mission.

 

Aniya, may pwersa ring naka pokus para i mantene ang peace and order lalo na duon sa mga lugar na may mga komunistang rebelde ang nag-ooperate.

 

Kahapon nagsagawa ng aerial inspection ang militar sa Catanduanes at sa airport nito para makita ang pinsala na dulot ng hagupit ng Bagyong Rolly.

 

Nagsagawa naman ng relief operations ang 51st Engineering Brigade ng Phil Army sa Baao, Camarines Sur kung saan namahagi itong ng food packs sa komunidad.

 

Nanguna din sa road clearing operations ang mga tropa ng 31st Infantry Battalion sa Sorsogon.

 

Tumulong din ang mga ito sa repacking at pamamahagi ng relief goods sa mga kababayan nating biktima ng Supertyphoon Rolly.

 

Ang Naval Intelligence and Security Group Southern Luzon at ang Philippine Navy Islander ay nagsagawa naman ng damage assessment mission sa Catanduanes area.

 

Ang Navy Islander NV312 sa pangunguna ng Pilot In Command, Lt. Cdr. Mark Licos, lumipad sa coastal arwas San Andres at Virac City para i-assess ang pinsala sa lugar na dulot ng Bagyong Rolly. (Ara Romero)

Tennis star Simona Halep, patuloy na nagpapagaling matapos dapuan ng COVID-19

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPAGALING na ngayon si world number two tennis star Simona Halep matapos dapuan ng coronavirus.

 

Ayon sa 29-anyos na Romanian tennis star na nagkaroon lamang siya ng mild symptoms.

 

Tiniyak nito sa kaniyang mga fans na masigla ang kaniyang kalusugan at agad na magbabalik sa laro kapag ito ay tuluyang gumaling na.

 

Magugunitang pinili nito na huwag sumali sa US Open sa New York dahil sa pangamba sa coronavirus.

 

Nagwagi si Halep sa French Open 2018 at siya ang kasalukuyang Wimbledon champion.

 

Dagdag pa nito na tapos na ang paglalaro niya ng tennis ngayong taon matapos ang pagkatalo niya sa French Open.

Pia, umaming labis na nasasaktan sa bangayan ng ina at kapatid

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY pakiusap ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa publiko tungkol sa bangayang nangyayari ngayon sa kapatid niyang si Sarah Wurtzbach- Manze at inang si Gng. Cheryl Alonso-Tyndall.

 

Ayon kay Pia, “I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online. This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic expe- rience and I humbly ask everyone to be kind to her.

 

“We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming.”

 

Ilang araw na kasing pinagpiye- piyestahan sa social media ang gusot ng mag-inang Sarah at Cheryl na sinimulan ng una dahil base sa intindi namin ay dumaranas ito ng anxiety at gusto niyang ilabas ang lahat ng pinanggagalingan nito.

 

Pero hindi sukat akalain ng mga nakabasa na damay ang ina at itinurong dahilan kung bakit nakararamdaman ng ganito si Sarah.

 

Nitong Lunes ng gabi ay hindi na kinaya pa ng dating beauty queen ang mga nababasang komento tungkol sa kapatid at ina sa social media kaya nakiusap siya na tigilan na ang victim shaming.

 

Nag-post si Pia ng larawan nilang pamilya kasama si Sarah, Cheryl at ang dalawang pamangkin na sina Lara at Logan.

 

Hiling din niya sa publiko na huwag husgahan ang kapatid dahil may pinagdadaanan ito.

 

“Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko.

 

“Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing. Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po.”

 

Nagpakita ng suporta sa pag- post ng heart emoji ang kapwa beauty queens ni Pia na sina Thia Thomalia (Miss Eco International 2018); ‘Stay Strong P’ sabi naman ni Miss Binibining Pilipinas 2019 Gazini Ganados; “Prayers for you family Pia” say naman ni Miss Earth Philippines 2015, Angelia Ong; “Thinking of you and your family” pahayag ni Miss Universe Canada 2016, Siera Bearchell; “God Bless You” ayon naman kay Miss Universe 2011, Leila Lopes ng Angola at Miss International 2013/Mutya ng Pilipinas 2011 na si Bea Santiago na nagsabing, “We got you P! We love and care for u and your family.”

 

Maraming kaibigan sa showbiz at non-showbiz din ang umalalay kay Pia ang isasama silang pamilya sa kanilang mga panalangin.

 

*****

 

KABILANG ang pelikulang Belle Douleur, ang first full-length movie na idinirek ni Quantum producer, Atty. Joji V. Alonso sa 10 Filipino films sa Asian Film Festival sa Barcelona, Spain na mapapanood simula Oktubre 28 – Nobyembre 8.

 

Ang mga pelikulang kasama sa Special sections ay Chengfeng Town, Distance, Indus Blue, Iska, Kalel 15, Last Night I saw you Smiling, at Lingua Franca.

 

Kasama naman sa Net Pac section ang Ama Khando, Edward, Goodbye Mother at In The Name of the Mother.

 

Sa Discoveries section ay ang mga Ayu at Latay.

 

Ang pelikulang Mindanao naman ang kasama sa Official section.

 

At ang Belle Douleur at pelikula ni Lav Diaz ang magkasama sa Official Panorama section.

 

Kaya naman sobrang saya ni Atty Joji dahil sila ni Lav Diaz ang magkasama.

 

“Nagulat ako nang sobra when I found out. Diyos ko, what an honor to be pa part of that section. Most grateful.

 

“I wish though I could be there and witness the foreign audience watch the film. But the fact that we are alive and healthy is more precious,” sabi sa amin ng direktora pero hindi siya makadadalo dahil tumataas ang Covid-19 cases sa Europe kung saan parte ang Spain.

 

Ang post ni Atty. Joji sa kanyang FB, “Belle Douleur is among 22 films currently competing in the Panorama Section of the Asian Film Festival in Barcelona. And we are pitted against the film of no less than THE multi awarded Lav Diaz. Such an honor and shocking surprise!”

 

Tinag niya ang mga kasama sa Belle Douleur na sina Milen Dijon, Keith San Esteban, Marlon Rivera, Jenny Jamora, Ricky Lee, Therese Cayaba, Patricia Sumagui, Mycko David, Angel Diesta, Marinette Lusanta, Lexter Favor Tarriela, Marya Ignacio, Len Calvo at Mikko Quizon.

 

Ang producer na si Ferdy Lapuz ay pinasalamatan din dahil siyang nag-asikaso para mapasama sa nasabing festival at siyempre ang co-producer niyang sina Deo Endrinal for Dreamscape Entertainment, iWantTFC at Cinemalaya. (REGGEE BONOAN)

Sharon, nanggulat sa IG post na naka-bathing suit

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING natuwa na mga fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa panggugulat niya last Monday, November 2, sa kanyang Instagram post na naka-bathing suit kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan.

 

Bago siya nag-post nito, nagpakita muna si Sharon na nagti-thread mill siya dahil gusto raw niyang pumayat, bumili raw kasi siya ng mga bagong dress at kailangang magkasya siya roon.

 

Caption ni Sharon: (seems like these were forever ago…) O ayan na. Kahit di pa payat, pumapayat naman. Isipin nyo na lang ito: “Maputi sya (pwera ankles to feet ko kasi yun lang nasisikatan ng araw!) Makinis, at kahit pawisan buong maghapon magdamag kahit walang pabango, mabango siya talaga! Eh, totoo naman. Sabi ko nga, may bagyo naman, so gulatin ko kayo.

 

“Tandaan nyo sabi sa Bible “Thou shalt not judge” ha! Pwede matawa bawal umiyak at nega. Mega lang puede. Hahaha! Happy Monday, everyone! Thank you Jesus umalis ang bagyo!!! Salamat po, safe kaming lahat!!!”

 

*****

 

NATUWA ang mga fans ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid nang mapanood nila last Sunday, nang mag-perform siya sa All-Out Sundays na new look na siya, maikli na ang buhok kaysa dating quarantine look niya na laging nakasabog sa face niya.

 

Positive naman ang feed-back mula sa mga netizens at inihambing pa siya sa mga Korean ‘oppa’ or mga Korean celebrities.

 

Ginawa na ito ni Ruru bilang paghahanda para sa upcoming GMA Pulic Affairs series niya sa Lolong. Excited si Ruru dahil balik- aksiyon siya rito at dalawang magagandang leadin ladies ang makakasama niya, sin Arra San Agustin at Shaira Diaz.

 

Happy si Ruru na muling makatambal si Arra dahil nagkasama na sila sa Encantadia noong bago pa lamang sila pareho sa showbiz. Si Ruru sa katatapos lamang noon sa Protege: The Battle for the Big Artista Break. At si Arra naman ay graduate noon ng StarStruck 6.

 

Pareho namang na-excite sina Arra at Shaira nang malaman nilang mag- aaksiyon din sila sa Lolong. Sa ngayon ay kasalukuyan na silang naghahanda para sa lock-in taping.

 

Habang patuloy pang napapanood si Ruru sa recap ng Encantadia at malapit na ring pumasok sa epic serye si Arra. (NORA V. CALDERON)

Ads November 4, 2020

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DTI: Walang paggalaw sa presyo ng bilihin sa mga nasa State of Calamity

Posted on: November 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na awtomatiko ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong Rolly.

 

“Unang-una, the Typhoon Quinta last week, so may mga state of calamity, so automatic price freeze doon sa mga calamity areas—Albay, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque,” saad ni Lopez sa isang panayam ng Dobol B.

 

“Tapos, yesterday, nag-declare na rin ang Cavite, o price freeze na rin tayo diyan,” dagdag nito.

 

Sakop nito ang mga pangunahing bilihin tulad ng mga de latang ulam, instant noodles, kape, at gatas.

 

Ang mahuhuling lumabag ay pagmumultahin ng aabot sa P2 milyon.

 

Dagdag nito na kahit walang tigil-galaw sa presyo ng mga bilihin, maigting na pinatutupad ang suggested retail price sa mga ito. (Ara Romero)