84% ng eligible population sa NCR, fully vaccinated na sa susunod na buwan
- Published on October 7, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 84% ng eligible population sa National Capital Region (NCR) ang inaasahan na magiging fully vaccinated laban sa Covid-19 sa buwan ng Nobyembre.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr., 75.57% ng eligible population sa NCR ang fully vaccinated at inaasahan na aabot ng 84% sa susunod na buwan.
Sa Disyembre naman aniya ay 92% ng populasyon sa NCR ang inaasahan na magiging fully vaccinated.
“In one month, ang projections po namin, aabot siguro tayo ng mga 84 percent, dahil ‘yung mga naka-first dose ay magsi-second dose at ‘yung mga AstraZeneca naman magpapabakuna po ‘yan by December 2, ito po ay aabot ng 92 percent,” ayon kay Abalos.
Aniya pa, ang active Covid-19 cases sa NCR ay nag- “plateaued” sa 25,000 kaso kung saan bumaba sa nagdaang rurok na 40,000 active cases.
“As of Saturday, ” ang Covid-19 reproduction rate sa Kalakhang Maynila ay 0.83, bumaba mula sa 1.9% na naitala noong Agosto 14.
“Maski may konting aberrations, what is important, look at the trend — it is all going down,” ani Abalos.
Upang patuloy ang downtrend sa Covid-19 cases sa rehiyon, sinabi ni Abalos na ang Metro Manila Council na kinabibilangan ng 17 NCR mayors — ay nagpatupad ng lockdowns kung saan ay sakop ang 2,774 pamilya sa 397 households, 88 condominium units, 9 na gusali at 25 compounds.
“Ibig sabihin talagang maliliit na lang para ‘yung mga healthy population makapagtrabaho at gumana ang ating ekonomiya ,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Sabungan na may automated tayaan, sinalakay ng NBI
SINAMPAHAN na ng patung-patong na kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 opisyal ng isang sabungan sa Quezon City dahil sa paggamit ng digital system sa pagpapataya sa kanilang mga kustomer makaraang salakayin ito noong nakaraang Biyernes. Kabilang sa mga kasong isinampa ay ang paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal […]
-
Japanese tennis star Kei Nishikori, umatras sa pagsali sa US Open
Desidido pa rin si Japanese tennis star Kei Nishikori na hindi sumali sa US Open ngayong taon. Ito ay kahit nagnegatibo na sa COVID-19. Ayon sa 2014 U.S. Open runner-up, labis ang kasiyahan nito ngayon dahil matapos ang dalawang positive results ng kaniyang test ay lumabas sa pangatlong pagkakataon ng COVID-19 test na negatibo na […]
-
Higit 6K tradisyunal na jeep sa MM, balik pasada ngayon
Balik pasada na simula ngayon, Hulyo 3, ang 6,002 tradisyunal na jeep sa Metro Manila makalipas ang mahigit tatlong buwang tigil-operasyon bunsod ng community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic. Base sa guidelines na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tanging ang mga maituturing na “road worthy” traditional jeepneys lamang at […]