Malakanyang, niresbakan ang patutsada ng isang numero unong kritiko ni PDu30
- Published on October 7, 2021
- by @peoplesbalita
BINUWELTAHAN ng Malakanyang ang malisyosong puna ng numero unong kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang sandaling puntahan ng huli ang isang mall, araw ng Sabado.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-sidetrip lang ang Pangulo sa isang mall kasama si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go matapos na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy ang senador ng nasabing araw.
Iyon nga lamang, kaagad na nabahiran ng malisya ng isang kritiko ni Pangulong Duterte ang bagay na ito dahilan para mapasama ng Chief Executive.
“President Duterte went around personally checking how businesses are faring with the re-opening of industries and the economy. PRRD stayed for a few minutes and bought cookies – not a high-end watch, as one senator maliciously implied,” ayon kay Sec. Roque.
Ang Pangulo ay walang pagod na nagta-trabho sa panahon ng pandemiya at ilalaan ang natitira niyang araw para bagayan ang bansa tungo sa post-COVID-19 recovery.
Sa ulat, pinuna ni Senador Richard Gordon ang ginawang di umano’y “pamamasyal” ni Pangulong Duterte sa mall.
“May tinatawag tayo sa civil code na conscpicuous consumption in times of crisis. may krisis po tayo nakuha pa nilang bumili (Pharmally executives luxurious cars),” ayon kay Gordon.
“Parang ‘yung presidente at si secretary bong go matapos silang mag file ng candidacy hindi ko maintindihan bakit sila nagpunta sa isang gusali na nagtitinda ng mamahaling relo isang mamahalin na department store. wala na ba tayong mga budhi mga kaibigan hindi ba natin nalalaman nahihirapan ang mga tao pupunta pa tayo sa lugar na mararangya ang nakakabili lang ay talagang may pera hindi natin alam kung saan galing,” dagdag na pahayag nito.
-
Trike drivers mabibigyan din ng fuel subsidy
MAY HIGIT kumulang na 1.2 million na mga drivers ng tricycle ang maaaring mabigyan ng fuel subsidy mula sa pamahalaan. Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano sa isang panayam. Inutusan ni Ano ang mga local government units (LGUs) na magbigay ng listahan ng […]
-
MARIAN, naging ‘big influence’ para magpa-vaccine na rin ang ina ng isang netizen; siya lang daw pala ang sagot
DAHIL sa nakapagbakuna na si Marian Rivera kasama ang kanyang asawang aktor na si Dingdong Dantes, marami nga ang naenggayo na magpabakuna na rin. Ayon sa tweet ng netizen na si Carlo, napapayag na raw magpa-vaccine ang mommy nito nang makitang natanggap na ng Kapuso Primetime Queen ang first dose ng Covid-19 vaccine: […]
-
Blended learning sa maliliit na pribadong paaralan sa NCR, nasa kamay na ng IATF: DepEd exec
Nasa kamay na ng COVID-19 task force ng pamahalaan ang blended learning sa mga pribadong paaralan sa Metro Manila na may maliliit na populasyon ng mga mag-aaral, ayon sa Department of Education nitong Miyerkoles. Nang tanungin kung bukas ang DepEd sa pagpayag sa blended learning at ilang face-to-face interactions sa mga naturang paaralan, sinabi […]