Roque, nagbigay-pugay sa mga guro ngayong World Teacher’s Day
- Published on October 7, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY-pugay si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga guro ngayong World Teacher’s Day.
Sa katunayan, nag-tweet si Sec. Roque ng isang espesyal na mensahe ng pasasalamat para sa mga guro.
“Happy World Teacher’s Day sa lahat ng ating mga guro,” ani Sec. Roque sa kanyang official Twitter account.
Pinuri nito ang mga guro sa pagsusulong ng kanilang propesyon na nangangailangan ng sakripisyo at commitment.
“Ang inyong serbisyo at kontribusyon sa larangan ng edukasyon ay isang trabahong kailanman hindi ko mapapantayan. Saludo ako sa inyo ,” anito.
Si Sec. Roque ay nagsilbi bilang associate professor sa University of the Philippines (UP) College of Law, nagturo siya ng public international law at constitutional law sa mahigit 15 taon.
Ang World Teachers’ Day ay idinadaos taun-taon o tuwing Oktubre para ipagdiwang ang lahat ng mga guro sa buong mundo.
“The event commemorates the anniversary of the adoption of the 1966 ILO/UNESCO Recommendation concerning the Status of Teachers, which sets benchmarks regarding the rights and responsibilities of teachers, and standards for their initial preparation and further education, recruitment, employment, and teaching and learning conditions, according to the United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) website,” ayon sa ulat.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay nakatuon sa pagsuporta sa pangangailangan ng mga guro na malaki ang naging ambag para sa recovery process sa ilalim ng temang “Teachers at the heart of education recovery”.
“A five-day series of global and regional events will showcase the effect that the pandemic has had on the teaching profession, highlight effective and promising policy responses, and aim to establish the steps that need to be taken to ensure that teaching personnel develop their full potential,” ayon pa rin sa ulat.
Noong nakaraang buwan, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukala ng Department of Education para sa limited face-to-face (F2F) classes sa basic education.
Ang F2F classes ay ipa-pilot sa 100 public schools sa mga lugar na may mababang Covid-19 risk at 20 private schools.
Para sa school year 2020-2021 na magbubukas noong Oktubre 2020, nagsagawa ang DepEd ng klase sa pamamagitan ng online learning, modular learning, television at radio-based instruction, at blended learning na kombinasyon ng dalawa o higit pang “methods of learning.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Sotto gustong maging NBA star, best Asian
INAASAM ni 7-foot-2 Pinoy phenom Kai Zachary Sotto na mapabilang balang araw sa National Basketball Association (NBA) All-Star Game at maging pinakamahusay na manlalaro sa Asya. Sinalaysay ito ng 19 na taong-gulang at tubong Las Piñas City sa isang panayam noong isang araw sa isang FM radio program, “I envision myself to be […]
-
Galvez: COVID-19 vaccination sa Pilipinas posibleng magsimula sa May 2021
BUMUBUO na raw ng national vaccine roadmap ang hanay ni Sec. Carlito Galvez Jr. kasunod ng kanyang appointment bilang Vaccine Czar. “Sa ngayon ang pinaka- importanteng ginagawa namin ay magkaroon tayo ng Philippine national vaccine roadmap. Bubuo tayo ng core group para maayos ang organisasyon from national to local government,” ani Galvez sa Laging […]
-
Super nag-enjoy sa bakasyon nila sa Singapore: Relasyon nina JULIA at GERALD, ipinapakita na mas lalong tumatag
IPINAPAKITA lang talaga ng mag-dyowa na sina Julia Barretto at Gerald Anderson na habang tumatagal, mas lalong tumatatag ang relasyon nila. Kahit ilang beses na naiintriga na kesyo nagkakalabuan o break na, dedma lang ang dalawa at manggugulat na masaya silang magkasama. Tulad na lang sa pag-attend nila sa F1 race […]