Sotto gustong maging NBA star, best Asian
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
INAASAM ni 7-foot-2 Pinoy phenom Kai Zachary Sotto na mapabilang balang araw sa National Basketball Association (NBA) All-Star Game at maging pinakamahusay na manlalaro sa Asya.
Sinalaysay ito ng 19 na taong-gulang at tubong Las Piñas City sa isang panayam noong isang araw sa isang FM radio program,
“I envision myself to be an NBA All-Star. I would do everything I can to be an All-Star to prove that I am a great player and to represent Asia,” wika ng anak ng dating manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Ervin Sotto.
Kasagsagan na ang preparasyon ni Sotto sa Estados Unidos para sa nalalapit na opening ng 19th NBA G League 2020-21 sa papasok na buwan.
“Five years from now, I want to be the best in Asia also – being a Pilipino – and represents the Philippines. That is the dream I have,” wakas na banggit ng basketbolista. (REC)
-
60% ng mga Pilipino, pabor sa Sim card registration – Social Weather Stations
LUMALABAS sa survey mula sa Social Weather Stations (SWS) na majority o 60% ng mga Pilipino ang pabor sa SIM Card Registration law. Mula sa survey ng SWS nasa 17% ng respondents naman ang tutol habang nasa 23% ang undecided. Sa 60%, 32% dito ang strongly approve habang nasa 29% naman […]
-
SUNSHINE, ‘di kataka-taka kung pasukin na rin ang pagdidirek
MARAMING humanga sa Instagram post ni Director Mark Reyes: “My associate director and co-producer for #bnbthebattleofbrodyanandbrandy @m_sunshinedizon hard at work planning for our first day shoot.” Nakaka-bilib naman talaga si Sunshine Dizon, isang mahusay na actress, kaya hindi kataka-taka kung pasukin na niya ngayon ang pagdidirek. Siguradong marami na siyang natutunan sa showbiz […]
-
Jerald’s Cup 4-cocker, tutuka sa Marso 6 – Picazo
TINATAYA na ang 100 sultada sa taunang Jerald’s Cup 4-Cock Derby sa Biyernes, Marso 6 na maghuhudyat sa tag-init ng mga sabong sa Pasay City Cockpit. Ang beteranong sabungerong si Jerald Picazo ang punong abala para rito kung saan 40-50 katao ang kanyang mga inimbitahan sa derbing mga aayudahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor […]