• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Cimatu, sinuspinde ang quarry operations sa Guinobatan, Albay

SINUSPINDE ni Environment Secretary Roy Cimatu ang quarry operations sa Guinobatan, Albay makaraan ang pinsala na dulot ng Bagyong Rolly.

 

Sa press briefing, sinabi ni Cimatu na may apat na katao ang namatay at tatlo naman ang nailibing ng rumagasang lahar mula Mayon Volcano.

 

Ani Cimatu, malakas kasi ang agos ng tubig- baha na nagmula sa bulkan at bumagsak sa tatlong ilog kung saan nag-o-operate ang 11 quarry o tibagan.

 

“Some of these operators left their stockpiles in the middle of these rivers kaya no’ng bumaba ‘yung tubig, malakas, dala-dala ‘yung lahar, pati ‘yung stockpiles nila boulders ay kasama na,” ayon kay Cimatu.

 

Aniya pa, ang 11 operators ay binigyan ng permit ng provincial government.

 

Dahil dito, ipinag-utos niya ang suspensyon ng mga ito kabilang na ang quarry operation sa palibot ng Mayon.

 

Nauna rito, sinabi ni Senador Bong Go na nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang imbestigasyon ng quarrying operations matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga residente.

 

Samantala, binisita naman ni Pangulong Duterte ang Albay isang araw matapos manalasa ang bagyong rolly sa Bicol.

 

Nagsagawa rin ang Punong Ehekutibo ng aerial inspection sa Catanduanes, unang lalawigan na binayo ng bagyong rolly. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, bibisitahin ang Brunei, Singapore sa susunod na linggo

    NAKATAKDANG bumiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungong Brunei Darussalam para sa isang state visit at Singapore para naman sa defense summit sa susunod na linggo.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) pokesperson Maria Teresita Daza na nakatakdang bumiyahe sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza […]

  • Looking forward na ma-meet ang GMA Primetime Queen: ZEINAB, wini-wish na maka-collab sina DINGDONG at MARIAN

    SA patuloy na selebrasyon ng ika-13 na anibersaryo ng Beautéderm Corporation, pormal nang sinasalubong ang social media star at influencer na si Zeinab Harake bilang brand ambassador ng oral care products nito gaya ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash, at Etré Clair Mouth Spray.   With over 50 million followers […]

  • Bagong voter registration system na “Register anywhere,” kasado na-Comelec

    KASADO na para sa pilot testing ang panibagong sistema ng Commission on Elections na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga voter registrants na makapagparehistro kahit hindi sa kanilang siyudad o bayan na kinabibilangan.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, bunsod ng pagiging abala ng mga dapat […]