• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapasinaya sa Bicol International Airport, pinangunahan ni PDu30

Sa kanyang naging talumpati, sinabi ng Pangulo na masaya siya na naging bahagi at kasama sa inagurasyon ngayon ni Pangulong Rodrgo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa Bicol International Airport sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay.

 

Ang pagkumpleto aniya ng world-class state ng gov’t infrastructure project ay nagbigay sa pamahalaan ng karangalan at kasiyahan dahil makapagbibigay ito ng mas maayos na transportasyon para sa mga Filipino na magbibyahe patungo at mula sa Bicol region.

 

“I congratulate the DOTR as well, its local officials and project partners including the Civil Aviation Authority of the Philippines for turning the Bicol International Airport into a reality after an 11-year delay,” ayon sa Pangulo.

 

“Indeed, today’s inauguration is another milestone in the admin’s Build, Build. Build program. We are fulfilling our mission of improving the lives of Filipinos by providing quality infrastructure projects that allow greater connectivity and mobility, create more jobs, and boost economic activity in other regions,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang paliparan aniyang ito na tinaguriang “most scenic gateway” sa bansa ay may pangakong makapagbibigay ng “unforgettable travel experience” hindi lamang sa mga bisita kundi mismo sa maraming mga Bicolanos.

 

Sa pagkakataong ito ayon sa Pangulo, hinikayat niya ang management at staff ng Bicol International Airport na tiyakin na ang lahat ng mga pasahero ay makakakuha ng “best, quality of service” na deserve ng mga ito.

 

Samantala, kumpiyansa naman si Pangulong Duterte na sa oras na fully operational, ang airport ay makapagsisilbi sa pangangailagan ng 2 milyong pasahero kada taon at makapagbigay ng “efficiency, reliability and safety standards” upang masiguro ang modern airport.

 

“Let us look forward for a stronger and more vibrant future of the entire Bicol region and its surrounding provinces. Mabuhay at congratulations para sa inyo,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Pilipinas nasa ‘low risk’ na lang ng COVID-19: DOH exec

    Ibinaba na ng Department of Health (DOH) sa “low risk” ang klasipikasyon ng Pilipinas sa hawaan ng COVID-19.     Batay kasi sa monitoring ng ahensya, bumaba sa negative 9% ang growth rate ng coronavirus cases sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo.     Bumaba rin ang average daily attack rate (ADAR) ng bansa […]

  • 4 drug suspects nabitag sa Valenzuela drug bust

    APAT na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa […]

  • Ads July 24, 2021