• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PINAKAHIHINTAY NA 2ND TRANCHE SAP, NATANGGAP NA NG 3K NAVOTEÑOS

NATANGGAP na ng 3,003 Navoteño families ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

 

 

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay sinimulan na ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance bilang partial payout sa mga benepisyaryo.

 

 

Nasa 448 beneficiaries na ang mga pangalan ay kasama sa 51 mga liham na ipinadala ng Navotas sa DSWD-NCR, ay nakakuha na ng kanilang cash aid, Sabado. Ang natirang 2,555 ay matanggap ang kanilang second tranche sa October 11-18, 2021.

 

 

“Our constant follow-up and dogged perseverance have borne fruit at last! We are glad that beneficiary-families will now receive the cash assistance due to them. We will continue to coordinate with DSWD-NCR to address the appeals of other Navoteños who have yet to get their financial aid,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Ang Bayanihan to Heal As One Act 1 ay nag-expire noong 2020 kaya gumawa ng paraan ang DSWD na makakuha ng pondo para sa P8,000 second tranche sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

 

 

Sa ilalim ng AICS, maximum lamang na P5,000 ang maaaring ibigay sa anumang indibidwal na beneficiary habang ang natirang P3,000 ay ipamamahagi ng DSWD sa ibang oras.

 

 

Noong Setyembre, 668 na pamilyang Navoteño ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay P8,000 na emergency cash assistance. Bahagi rin sila sa mga ipinadalang liham ni Tiangco sa DSWD. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, gusto nang tumakbo si Mayor Sara sa pagka-Pangulo sa 2022 elections

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-Pangulo sa 2022 elections.   Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang pigain ng media kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ngayon sa pagitan nina Pangulong Duterte at PDP-Laban chair, at ruling party’s acting […]

  • 4 huli sa droga at sugal sa Valenzuela

    ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagsusugal at masita sa paglabag sa ordinansa kung saan dalawa sa kanila ang nakuhanan ng ilegal na droga sa Valenzuela City.     Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 4 hinggil sa […]

  • DEREK, may regret dahil nakipaghiwalay kay ANDREA over the phone lang

    PATULOY pa rin na nagsasalita si Derek Ramsay sa naging break-up nila ng dating girlfriend na si Andrea Torres.     Habang ang Kapuso actress naman ay nananatiling tahimik lamang.     Nagpa-interview si Derek sa radio program ni Cristy Fermin at doon nga, siniwalat nito kung paano sila nag-break.     Na sabi ni Derek, […]