KYLIE at ANDREA, naniniwala na importante ang ‘trust and respect’ sa isang relasyon; social media celebrity couple sa rom-com series sa ‘BetCin’
- Published on October 14, 2021
- by @peoplesbalita
MAGSISIMULA na ang newest WeTV Original rom-com series na BetCin sa WeTV ngayong Oktubre 15 sa ganap na ika-walo nang gabi.
Gaganap bilang social media celebrity couple sina Kylie Padilla at Andrea Torres na tila may halos perpektong relasyon, pagdating sa online.
Sa likod ng mga filtered posts, hindi ganoon kadali ang sitwasyon nina Beth (Padilla) at Cindy (Torres). Habang lumalayo ang loob nila sa isa’t-isa dahil sa pagkakaiba ng mga prayoridad at pangangailangan, mas lalo naman dumarami ang kanilang mga followers, ang mga Umamis.
Habang inaalam nila ang susunod na hakbang para sa kanilang relasyon, napili ang “BetCin” bilang isa sa mga finalists sa “#RelationshipGoals”.
Ang hamon ay kinakailangan nilang mapapaniwala ang mga fans na maayos pa rin sila bilang isang couple para makarami ng likes at mapanalunan ang cash prize at iba pang mga papremyo.
Makukuha kaya nina Beth at Cindy ang tamang sangkap sa pag-ibig para mapaniwala nila ang mga Umamis na sila pa rin ang internet’s sweetest sweethearts?
Nang tanungin sina Kylie at Andrea kung ano ang importante sa isang relasyon, ito ang kanilang sagot.
“Trust and respect. Personally, ang pinaka important sa akin yung trust kasi once na masira yun parang mahirap na bumalik sa dati.” ayon pa kay Kylie.
Opinyon naman si Andrea, “For me, respect. Kasi feeling ko kapag nire–respect niya ko there’s no room for me to doubt.”
Ito rin siguro ang isa sa mga proyektong hindi niya malilimutan.
Dagdag pa niya, “It was an absolute pleasure and honor to be your Cindy.”
Kasamang rin sa cast ng BetCin sina Elora Españo, isa sa mga kinagigiliwang independent actresses sa bansa, at Pinoy Dream Academy alumna nga ngayo’y isang premyadong aktres na si Chai Fonacier, na lumabas na sa mga TV shows at pelikula.
Panoorin ang first two episodes ng serye ngayong October 15 sa WeTV at abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes.
Ang BetCin na line-produce ng Rein Entertainment Productions ay mula sa direksyon ni Shugo Praico at panulat nina Fatrick Tabada at John Carlo Pacala.
Sa walong episodes, ipakikita ni Direk Praico ang dramang nagmumula sa isang relasyong malapit na mabigo na may halong katatwanan na siguradong makadadagdag sa alindog at karakter ng dalawang bida.
“One of the brilliant elements of Fatrick Tabada’s original script for BETCIN, when we were developing it as a part of an anthology series for REIN entertainment years back, is its tone — a charming blend of wit and absurdist humor. And so, when WeTV asked us to turn the material into an 8-episode series, I and the genius, JC Pacala, decided to stick with that tone, push the comedy and add poignancy into the mix to tell the break-up story of an odd but lovable couple trapped in the zany situation they created. We wanted to give the audience a fresh take, a unique experience on this familiar kind of story.”
Ang pagpapalabas ng ganitong series ay napapanahon sapagkat madalas napag-uusapan ang inclusivity, na may pagkakataong mabigyan ng pansin sa kwentong ito.
“We feel that the time is right to put the spotlight on stories told from the lens of two women in a romantic relationship. This perspective is not often heard, and we wanted to give it the voice that it deserves,” paliwanag ng WeTV Philippines country manager na si Georgette Tengco.
“At the core of BetCin is a love story about two people navigating life and love as it plays out on social media. That’s something we can all relate to.”
Para sa streaming ng WeTV Original series, and the very best in Asian Premium Content, i-download lang ang WeTV and iflix apps for free from the App store and Google Play and start watching!
A monthly subscription rings in at only P59, quarterly at P159, and an annual subscription is only P599 for recurring subscriptions, while a one-month pass is only P149.
(ROHN ROMULO)
-
Tiangco brothers, pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng NavotaAs Homes 5
ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng NavotaAs Homes 5-Tanza 1 Phase 2 housing project ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, kasama sina NHA General Manager Joeben Tai, NHA NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita Panopio, at Department of Human Settlements and Urban Development USec. Ronald […]
-
Detention facility ni Guo, pamilya handa na sa Senado
NAKAHANDA na ang detention facility ng Senado para sa suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at mga miyembro ng kanyang pamilya sakaling maaresto na ang mga ito. Ipinakita sa media nitong Martes ni Lt. Gen. (ret.) Roberto Ancan ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), ang facility na bagaman nasa […]
-
Malakanyang, ipinag-utos ang suspensyon ng pagtataas sa insurance premiums ng PhilHealth, pagtataas sa sahod
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang suspensyon ng bagong premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang income ceiling para ngayong taon ng 2023. Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas Bersamin, patuloy pa rin kasing nakikipagpambuno ang mga Filipino sa mga economic challenges sanhi ng COVID-19 pandemic. […]