• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP nakaalerto kahit ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila

Hindi pa rin magluluwag ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang trabaho at pagpapatupad sa mga ipinagbabawal sakaling maibaba na ang alert level sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, na kung magbabago na ang alert level sa Kalakhang Maynila mula sa kasalukuyang Alert Level 4 pababa sa Alert Level 3 ay inaasahang magluluwag ang mga restriction, at mas maraming negosyo pa ang magbubukas.

 

 

Dahil dito, mas maraming tao ang inaasahang lalabas at pupunta sa “permitted industries.”

 

 

Kaya dito umano pupunta ang mga pulis nang may koordinasyon sa management at may-ari ng mga negosyo, para masiguro na susunod pa rin ang lahat sa minimum public health standards upang iwas-COVID-19.

 

 

Bukod dito, babantayan din ng mga pulis kung nasusunod ang itinakdang kapasidad sa mga establisimyento o negosyo.

 

 

Sa ngayon, wala pang anunsyo ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung mananatili ba o mababago na ang Alert Level 4 ng NCR, na nakatakdang magtapos sa October 15.

Other News
  • ‘Walang regrets, pero kulang kami at palaging may injuries’ – Durant

    LABIS ang panghihinayang ng Brooklyn Nets matapos na tuluyang matanggal na sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs makaraang ma-sweep sila ng Boston Celtics, 4-0.     Ayon kay NBA superstar Kevin Durant, kung healthy lang daw sana ang kanilang team ay mas maganda ang kanilang kampanya.     Hindi rin napigilan ni Durant […]

  • Summer filmfest entry sana pero naudlot dahil sa pandemya… Movie nina JANINE at PAULO, maipalalabas na rin sa mga sinehan

    MATAPOS subukan tumakbo bilang senador nitong 2022 election, nagbabalik si Dr. Carl Balita sa isang bagay na mahal niya – hosting a TV show.     Sa presscon ng Entrepinoy Revolution na ginawa noong May 23 sa opisina ng SMNI (ang bago niyang tahanan), binanggit niya na he is launching an entrepreneurial revolution.     […]

  • Malakanyang, ginagalang ang bagong set up ng DOH

    IGINAGALANG ng Malakanyang ang hakbang ng Department of Health hinggil sa  bagong polisiya nito sa pagpapaunlak ng panayam sa kanilang mga opisyal.   Sinabi ni Presidential spokesperson  Harry Roque,  may kani-kanyang polisiya na ipinatutupad sa bawat tanggapan.   Aniya, kung may bagong polisiya ang DOH ngayon na may kinalaman sa pag- i schedule ng panayam, […]