• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ginagalang ang bagong set up ng DOH

IGINAGALANG ng Malakanyang ang hakbang ng Department of Health hinggil sa  bagong polisiya nito sa pagpapaunlak ng panayam sa kanilang mga opisyal.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson  Harry Roque,  may kani-kanyang polisiya na ipinatutupad sa bawat tanggapan.

 

Aniya, kung may bagong polisiya ang DOH ngayon na may kinalaman sa pag- i schedule ng panayam, ay wala namang problema.

 

Wala namang ideya si Sec. Roque hinggil sa polisiya ng DOH ukol  sa pagtatakda ng  interview sa kanilang mga opisyal ngunit regular din naman aniyang nagbibigay ng update ang ahensiya.

 

Ito ay sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na sumasagot sa mga katanungan sa kanya namang regular presser.

 

Sa kabilang dako, base  sa panuntunan ng DOH, kailangan munang magsumite umano ng request letter for interview ang isang media entity, dalawang araw bago ang target na panayam. (Daris Jose)

Other News
  • Masayang-masaya na isa na siyang Kapuso: STELL, aminadong nagulat na napiling judge sa ‘The Voice Generations’

    MASAYANG-MASAYA si Stell ng SB19 na isa na siyang Kapuso!     Isa si Stell sa mga judges ng ‘The Voice Generations’ hosted by Dingdong Dantes; ang iba pang judge ay sina Billy Crawford, Chito Miranda at Julie Anne San Jose.     “Yung grupo namin turning five years pa lang po kami, pero yung […]

  • ‘Di big deal kay SHARON, nag-post pa sa IG niya: MARICEL, dapat irespeto sa ‘di pag-endorso kay Sen. KIKO bilang VP

    PINAG-UUSAPAN pa rin hindi pag-endorso ng Diamond Star na si Maricel Soriano kay Senator Kiko Pangilinan na ka-tandem ni VP Leni Robredo     Isa nga si Maricel sa big stars na dumalo si sa NCR grand rally nina VP Leni at Senator Kiko na ginanap sa Diokno Boulevard, Pasay City, noong Sabado, April 23, […]

  • Cusi, gustong madaliin ang implementasyon ng strategic oil reserve plan- Abad

    NAGBIGAY na ng kanyang marching order si Department of Energy (DoE) Secretary Alfonso Cusi na madaliin ang implementasyon ng strategic petroleum reserve plan ng departamento.     Ito ang oil buffer stock ng pamahalaan na magpapagaan sa epekto ng pagtaas ng presyo sa domestic market.     Sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino […]