• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, sinimulan ang pagbabakuna sa mga tourism frontliner

LUNGSOD NG MALOLOS- Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office at Provincial Health Office ang pagbabakuna sa mga manggagawa sa turismo kabilang ang mga manggagawa ng pelikula, historyador, mananaliksik, mga grupo sa sining at kultura, tour guides, samahan ng turismo, at mga frontliner sa accommodationresortseventsfood, at sektor ng agritourism.

 

 

Limang daang manggagawa sa turismo ang unang nabakunahan sa ginanap na Mass Vaccination noong Oktubre 7, 2021 sa Provincial Vaccination Site, The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito, at 500 pa ang naka-iskedyul na bakunahan ngayong buwan.

 

 

 

Pinaalalahanan ni Fernando ang mga bagong bakunang manggagawa ng turismo na pagtuloy na sumunod sa mga health protocol upang makaiwas sa COVID-19.

 

“We need to protect ourselves. Kailangan protektado ang ating katawan dahil mayroon po tayong pamilya na dapat din nating ingatan. We need to make sure that everybody is safe. Patuloy pa rin tayong mag face shield at face mask and social distancing at alcohol,” anang gobernador.

 

Sinabi ni Dr. Eliseo Dela Cruz, pinuno ng PHACTO, na ang Bulacan ang unang lalawigan sa bansa na tumugon sa panawagan ng pamahaalang nasyunal at Department of Tourism na bakunahan ang mga tourism frontliner.

 

“Agaran pong tumugon ang ating gobernador sa panawagan ng ating national government. Kailangan po na sa pagbubukas ng ating turismo sa lalawigan ng Bulacan ay protektado ang lahat ng ating tourism frontliners,” aniya.

 

Samantala, pinasalamatan ni Paula Bernardo, isang majorette ng Bagong Bayan Brass Band na nabakunahan ng Pfizer, ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay prayoridad sa mga manggagawa sa industriya ng turismo na naapektuhan ng pandemya.

 

“Since pandemic, nawalan ng pagkakakitaan at tumamlay ang industriya ng sining. Nawalan ng trabaho ang mga musiko at mananayaw. Gayunpaman, nagpapasalamat kami na isa kami sa nabigyan ng pagkakataon na mabakunahan upang ligtas na makabalik sa aming trabaho sa oras na payagan na ito,” ani Bernardo.

Other News
  • Kick-off event ng BLACKPINK, ‘di natuloy dahil nag-fluctuate ang signals bago mag-countdown

    ANG South Korean girl group na BLACKPINK na binubuo nina Jisoo, Jennie, Rose at Lisa, ang official brand ambassador ng Globe.      Dapat pala, last Friday evening, January 22, ay may kick-off event sa Bonifacio Global City, na ang aim ng Globe ay, to “reinvent the world” of Filipino BLINKS fans by staging “The […]

  • ‘Dear Heart’ concert, baka huli na nilang pagsasama: SHARON, pinagdiinan na ‘di sila nagkabalikan ni GABBY

    MAY post si Megastar Sharon Cuneta na, “I’m loyal. I’ll never leave you for someone else. I’ll only leave you for myself. For my peace, my sanity, my respect, my dignity.”   Ayon naman sa mga komento ng netizens parang itinuturo ni Sharon ang kanyang asawa na si Kiko Pangilinan.   Ayon kasi post ng […]

  • Para pabulaanan ang paratang na ‘land grabber’: Legal counsel ni BEA, naglabas ng statement at handang magsampa ng kaso

    UMANI ng papuri si Bea Alonzo sa pagpapakain niya sa mga Aeta na kapitbahay niya sa Zambales nguni’t nakatanggap pa rin ito ng negatibong komento mula sa Twitter user na si @ALOveyoutoo, na tila inakusahan pa si Bea na nagnakaw ng lupain ng mga katutubong Aeta.     Sa kanyang Twitter, ni-reshare niya ang isang post […]