Para pabulaanan ang paratang na ‘land grabber’: Legal counsel ni BEA, naglabas ng statement at handang magsampa ng kaso
- Published on January 21, 2023
- by @peoplesbalita
UMANI ng papuri si Bea Alonzo sa pagpapakain niya sa mga Aeta na kapitbahay niya sa Zambales nguni’t nakatanggap pa rin ito ng negatibong komento mula sa Twitter user na si @ALOveyoutoo, na tila inakusahan pa si Bea na nagnakaw ng lupain ng mga katutubong Aeta.
Sa kanyang Twitter, ni-reshare niya ang isang post na may screenshots mula sa vlog ni Bea at sinabing, “That’s nice, now how about giving their land back.”
Ang eksaktong post na ito ay hindi na makikita sa Twitter dahil nag-private na ng account ang naturang user. Ngunit ito ay agad na na-screenshot ng mga netizen.
Nakasaad sa pahayag ng abogado na ipinadala sa PEP.ph at isinulat ni Jojo Gabinete na : “It is unfortunate that a certain ‘aloveyoutoo’ made a very irresponsible & highly outrageous statement on Twitter asserting that Ms. Bea Alonzo should give ‘their – (referring to Aetas) land back.’
“For the record, our client vehemently opposes that baseless and very unfair accusation. She and her family are the absolute and registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal and valid means.
“Let this message serve as a stern & final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.
“Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”
Handa rin umano ang kampo ni Bea na magsampa ng kaukulang reklamo kung hindi babawiin ng nagpasimula ng isyu ang kanyang pahayag.
Samantala, bago mag-private sa Twitter, ipinaliwanag ni @ALOveyoutoo ang kanyang naging pahayag.
Base sa mga screenshot, sinabi niya na, “To clarify, my point is it is strange that celebrities can have a farm when IP groups like the aeta struggle so much to own a land that they are often forced off of, and not that Bea Alonzo is a land grabber. Apologies.”
***
ISA si Maja Salvador sa mga personalidad na pinarangalan sa 17th Eastwood Walk of Fame nitong January 18 kung saan ilan sa mga personalidad na nakasama ni Maja ay sina 2020 Tokyo Olympics weightlifting gold medal winner Hidilyn Diaz, National Artist Ricky Lee, entertainment reporter Mario Dumaual for news and public affairs, singer Janet Basco for music, broadcast journalist Gerry Baja for radio, at internet sensations Ranz Kyle at Nianna Guerrero for social media.
Kinilala rin ang late National Artist for Theater Tony Mabesa para sa kanyang contributions sa teatro.
Emosyonal si Maja nang magpasalamat dahil kabilang na siya sa Eastwood City Walk of Fame.
“‘Di ko alam ang sasabihin ko, I am overwhelmed by this honor you’re giving me tonight. Maraming maraming salamat po. I would like to share it with my management, Crown Artist Management.
“Kay Mr. M (Johnny Manahan). Parang walang Maja Salvador kung hindi rin kay Mr. M. Sa unang manager ko, Tita Chit Ramos, forever akong nagpapasalamat sa kanya.
“Of course sa lahat ng fans na laging nandiyan who supported me through the years. Maraming, maraming salamat.”
Ayon pa kay Maja, maagang regalo ang mapabilang sa Eastwood City Walk of Fame dahil sa darating na February na ang kanyang 20th anniversary sa showbiz.
“Magandang gift ito sa akin kasi kung hindi po ninyo naitatanong, 20 years na po ako sa industry this coming February. Ang gandang regalo nito sa akin kaya maraming salamat po.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Pagdating sa bansa ng bakuna laban sa Covid-19 ngayong buwan, V-day gift para sa mga Filipino- Sec. Roque
ITINUTURING ng Malakanyang na Valentine’s gift sa mga mamamayang Filipino ang inaasahang pagdating ng bakuna laban sa Covid -19 sa bansa at pagsisimula na maiturok ito sa mga itinuturing na frontliners. Kasama sa numero unong prayoridad ang mga nagtratrabaho sa mga pampubliko at pribadong health facilities, ospital, contact tracers ng mga local government units […]
-
Ads August 14, 2024
-
DUGYOT NA VENDOR SA DIVISORIA, SUSUSPENDIHIN ANG PAGTITINDA SA MAYNILA
HINDI pagtitindahin ang mga vendor sa lungsod ng Maynila na mahuhuling dugyot sa kanilang mga puwesto sa mga pampublikong pamilihan partikular sa Divisoria. Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga palengke. Napag-alaman na mismong ang Dagupan Outpost ng Moriones […]