• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

22 Navoteños tumanggap ng bike at cellphone mula sa DOLE

NAKATANGGAP ang 22 mga Navoteños mula sa informal work sector ng libreng bisikleta at Android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o FreeBis (Bisekletang Pangnapbuhay) ng DOLE.

 

Pinangunahan ang turnover ng mga bisikletra at cellphone nina Navotas Congressman John Rey Tiangco at DOLE CAMANAVA Director Rowella Grande.

 

Ayon kay Cong JRT, maaaring gamitin ang mga ito ng mga benepisyaryo para makatulong sa kanilang online o loading business.

 

Ang FreeBis bikes ay kumpleto na sa mga gamit kasama ang helmet, raincoat, vest, water bottle, at thermal bag. Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng android mobile phone na may P5,000 load.

 

Kaugnay nito, sampung frontliners naman na naglilingkod sa Navotas City Hospital at City Health Office ang napaghandugan ng bike ni Navotas Mayor Toby Tiangco.

 

“Ito ay bilang pagbibigay- pugay sa kanilang pagsasakripisyo at pagsisilbi sa atin sa kabila ng panganib at hirap na dulot ng COVID-19. Lubos po tayong nagpapasalamat sa kanila at dasal natin na parati silang ligtas sa anumang sakuna”, ani Mayor Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • Sylvia at buong pamilya, proud na proud sa kanya: GELA, nakipagsabayan talaga sa husay sa paghataw kay AC

    NAGPAKITANG gilas na nga sa husay sa paghataw si Gela Atayde, ang ikatlong anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde at nasaksihan ito sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa ‘ASAP Natin ‘To’ noong Linggo, Marso 19.     Sa segment na ‘Clash Dance’ nakipagsabayan nga si Gela kay AC Bonifacio, na mahusay din sa […]

  • Bibili ng bahay sa Manila para mapalapit kay Sofia: BARON, gustong makasama uli si VILMA at bilang kontrabida

    SUPER happy ang aktor na si Baron Güneşler sa pagkapanalo niya bilang pinakamahusay na aktör sa katatapos na 39th Star Awards for Movies.   Ito ay dahil sa napakahusay niyang pagganap sa pelikulang “Doll House”.   Dahil dito ay lalong ganado raw ang aktor sa mga ginagawa niyang sunod- sunod na proyekto.   “İsa na […]

  • ‘My Working Team’ ipinakilala ni Tolentino para sa POC elections

    PINATINGKAD ng tatlong gold medals sa magkasunod na Olympic Games at apat na ginto sa Asian Games tampok ang men’s basketball title ang pamamahala ni Abraham “Bambol” Tolentino sa Philippine Olympic Committee (POC).     Idagdag pa sa mata­gumpay na pagmamando ni Tolentino sa POC ang nakamit na overall championship sa pamamahala ng bansa sa […]