• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARIELLA, naniniwalang mapapansin si BEATRICE sa ‘70th Miss Universe’; maraming kagimbal-gimbal na eksena sa ‘Sarap Mong Patayin’

NATANONG si Ariella Arida sa virtual mediacon ng launching movie niya sa Viva Films, ang Sarap Mong Patayin kasama sina Kit Thompson at Lassy Marquez, tungkol sa chance ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa 70th Miss Universe na gaganapin sa December 2021 sa Eilat, Israel.

 

 

Naniniwala ang 3rd Runner-up sa 2013 Miss Universe pageant na walang kinalaman ang sexual orientation ni Beatrice sa pagkapanalo nito.

 

 

“First of all, I have nothing against her being openly gay,” sabi ng beauty queen/actress.

 

 

“I would say, maybe it’s not the reason why siya yung nanalo, it’s her performance during that night.

 

 

“I would say na talagang with the ramp and the way she presented herself, kanya talaga yung gabing ‘yon.

 

 

“And then, sumagot din siya nang maayos sa Q&A. From all those rounds, talagang check siya. Siguro talagang nasa top siya ng judges.

 

 

“And it so happened, openly gay siya,”

 

 

Tiyak daw na mapapansin si Bea sa 70th Miss Universe ayon pa kay Ariella.

 

 

“Miss Universe is very open. They’ve been really celebrating any gender right now.

 

 

“Sabi ko nga, every time tatanungin ako, sa atin panahon lang yung hinihintay, but we will get there.

 

 

“And now na nga is the time dahil Bea will be the one representing our country.

 

 

“We all know that she’s really loud and proud with her sexuality, and I don’t see na magiging factor yun about her performance internationally, especially sa Miss Universe.

 

 

“Dahil nga, sa Miss Universe, very open and very understanding as an organization.

 

 

“With her performance, if she would do kagaya nang ginawa niya noong finals night, for sure, mapapansin talaga ‘yan sa Miss Universe.

 

 

“I know two months na lang yung preparation, and kayang-kaya niya because of the team behind her is very prepared na. They know what they would do for her.”

 

 

Matatandaan na bago ang coronation night ng Miss Universe PH, natanong si Ariella kung sinu-sino ang bet niya na candidate at nabanggit niya sina Maria Corazon Abalos ng Mandaluyong na nanalo ng Best National Costume, Katrina Dimaranan ng Taguig na kinoronahan naman na Miss Universe Philippines Tourism, at Steffi Aberasturi ng Cebu province na nakuha ang 2nd runner-up ng Miss U PH. Kaya bongga na rin ang kanyang choices kahit wala doon si Beatrice.

 

 

Anyway, streaming na sa Vivamax, ang number one entertainment app Google Play, sa mas maraming bansa ang Sarap Mong Patayin na mula sa direksyon ni Darryl Yap, na kung saan maraming kagimbal-gimbal na eksena si Ariella, ganun din sina Kit at Lassy.

 

 

Tungkol ito sa ‘catfishing’ at hinaluan pa ng droga ang panloloko kaya malaking pinsala sa lahat ng sangkot.  Kasama rin sa pelikula sina Bob Jbeili, Tart Carlos at Marion Aunor na sumulat at kumanta ng themesong na Sarap Mong Patayin na ito rin ang pamagat.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 3 most wanted persons, nabitag sa Caloocan

    TATLONG most wanted persons, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng […]

  • Jason Statham Thinks Sylvester Stallone Has A Great Hand On The ‘Expendables’ Team

    ACTOR Jason Statham, who has been playing Lee Christmas, the right-hand man on the ‘Expendables’ team, in the franchise since 2010, has said that the movies from the franchise are essentially escapism.     Talking about the success of the franchise, Statham said that he thinks Sylvester Stallone has a great hand in it.   […]

  • Nierba sasakmal, pangil ng NU Lady Bulldogs

    HANDA na ang National University Lady Bulldogs sa pagtrangka nina Jennifer Nierva at Ivy Lacsina sa UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament na nakatakda na sanang nagsimula nitong Sabado pero naatras sanhi nang panganib ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.   Magiging lider na ang dalawang veteran volleybelle na nahasa na sa mga naging […]