• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nierba sasakmal, pangil ng NU Lady Bulldogs

HANDA na ang National University Lady Bulldogs sa pagtrangka nina Jennifer Nierva at Ivy Lacsina sa UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament na nakatakda na sanang nagsimula nitong Sabado pero naatras sanhi nang panganib ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

 

Magiging lider na ang dalawang veteran volleybelle na nahasa na sa mga naging karanasan sa larangan ng ilang taon at nakasungkit na rin ng kampeonato nang nasa junior team pa lang sa liga.

 

May kislap ang rotation ng team ngayong taon, pero namemeligrong maudlot dahil sa pagliban ni setter Joyme Cagande sa ACL tear. Natengga na siya sa nakaraang edisyon sa high-grade ACL.

 

May butas man ang koponan, puwedeng pasakan nang nagbabalik na beteranang si Risa Sato bakanteng posisyon ni Roselyn Doria. Puntos din sa koponan ang Fil-Japanese middle blocker sa pagiging isang high-caliber player.

 

Bukod dito’y sariwa pa siya sa mga sinalihang volleyball club gaya ng BaliPure Purest Water Defenders at Creamline Cool Smashers sa nakaraang Nobyembre sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference.

 

“With the NU women’s volleyball team naman we’re very excited to play the second day of UAAP,” reaksyon ni NU assistant coach Regine Diego. “Na-experience na ng mga rookie namin last year iyong laro, so hopefully they play better now specially they have a 14th-man line-up.”

 

“Also we just want to enjoy this eh kasi hindi naman kami nag-eexpect a lot, kung saan kami abutin at kung saan iyong prinactice namin at naghanda – dun sana kami umabot,” wakas niya. (REC)

Other News
  • PBBM, in-adjust ang dividend rate ng DBP para sa taong 2021

    IN-ADJUST ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang porsiyento ng annual net earnings na idedeklara ng state-run Development Bank of the Philippines (DBP) para sa taong 2021.     Sa katunayan, ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Executive Order (EO) 8, na naglalayong tapyasan ang dividend rate ng  DBP ng hanggang zero% mula sa kasalukuyang 50% […]

  • ‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas

    MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS).     “Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa […]

  • PAGSINGIL NG GENERATION COST NG MERALCO, PINALAGAN

    IKINADISMAYA ng isang Obispo ang panibagong pagtataas ng singil sa kuryente ng mga konsyumer sa National Capital Region (NCR) at iba pang karatig lalawigan.     Ayon Cubao Bishop Honesto Ongtioco na hindi makatarungan na sisingilin sa mga consumer ang generation cost ng Manila Electric Company (MERALCO) noon taong 2013.     “How can they […]