• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maaaring tumakbo bilang substitute candidate para sa pagka-senador

ISINIWALAT ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may opsyon siyang tumakbo bilang  substitute candidate sa pagka-senador sa  2022 elections. 

 

 

“I found out just recently that PRP (People’s Reform Party) has apparently asked someone to file by way of substitution, giving me the opportunity to run on or before Nov. 15,” ayon kay Sec. Roque sa  Kapihan sa Manila Bay.

 

 

Ang substitute candidates ay mayroong hanggang ngayong araw para magparehistro para sa kanilang  2022 bids.

 

 

Hindi naman alam ni Sec. Roque ang pangalan  ng orihinal na  PRP candidate na maaari niyang palitan.

 

 

“I don’t think it’s a mockery because it’s allowed by the law,” ani Sec. Roque sa posibleng  substitution sabay sabing “Of course the first to complain are senators, then they should repeal the law.”

 

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na maaari lamang siyang sumabak sa  Senate seat kung magdedesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio  na tumakbo sa pagka-pangulo sa susunod na taon.

 

 

Subalit, bagama’t nanguna sa survey si Mayor Sara ay makailang ulit naman nitong sinabi na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo at sa halip ay tatakbo siya na third term bilang Alkalde ng Davao.

 

 

Sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy noong Oktubre  8,  sinabi ni Sec. Roque na, “Mayor Sara called me and she in fact said that I should run. She was persuading me to run.”

 

 

Aniya, habang siya ay naghahanda na ihain ang kanyang CoC ay hindi na niya itinuloy ito dahil “Ang hirap naman tumakbo na hindi ko talaga alam kung sino man lang ‘yong ulo, how much more ang ulo na I do not believe in.”

 

 

Si Sec. Roque ay kasama sa  initial lineup ng guest candidates ng PDP-Laban, partido ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung saan “last minute” na pinatakbo ng partido si  Senador Ronald Dela Rosa bilang kanilang standard bearer.

 

 

Sinabi naman ni Dela Rosa na mas makabubuti kung sa kalaunan ay papalitan siya ni Mayor Sara.

 

 

Ani Sec. Roque, hindi pa sila ulit nakapag-uusap ni Mayor matapos ang bagong kaganapan na ito dahil nag-positibo sa COVID-19 si Mayor Sara.

 

 

“I will reiterate my position since Mayor Sara is not running, I find it difficult to change my decision as well,” aniya pa rin.

 

 

Si Roque, taong 2019 ay tatakbo sana sa pagka-senador subalit umatras matapos na dumanas ng heart attack.

 

 

Aniya, ang kampanya ay mas mahirap para sa eleksyon sa  susunod na taon dahil wala siyang
” so much more campaign contributions” noong 2019.

 

 

“There’s hardly any money that came in this time around. I think it’s because times are really hard now and the traditional campaign donors are unable to give any contribution,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Parak, 1 pa arestado sa baril sa Caloocan

    KALABOSO ang dalawang katao, kabilang ang isang aktibong pulis matapos makuhanan ng baril ng kanyang mga kabaro sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Sa ulat na natanggap ni Caloocan Acting Police Chief P/Col Ruben Lacuesta mula kay Police Sub-Station 15 Commander P/Capt. Demile Tubbali, nagpapatrulya aniya ang kanyang mga tauhan sa Phase […]

  • Pfizer vaccine na dumating, inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”-Galvez

    SINABI ng National Task Force Against Covid-19 na ang bulto ng government-procured Pfizer vaccine na dumating sa bansa, araw ng Miyerkules ay inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”.   Tinatayang may kabuuang 813,150 doses ang dumating sa bansa via Air Hongkong flight LD456 dakong alas- 8:30 ng gabi sa Ninoy […]

  • Utang ng Pinas, lumobo sa P14.35 trilyon

    LUMOBO pa sa P14.35 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Agosto.     Sinabi ng Bureau of Treasury (BoT) na ang kabuuang utang ng bansa ay tumaas ng P105.28 bilyon o 10.7 percent mula noong Hulyo dahil na rin sa pagbaba ng piso mula 54.834 hanggang 56.651 laban sa dolyar.     Sa […]