• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA, DODOBLEHIN ANG MGA LARONG GAGAWING SA KANILANG MULING PAGBABALIK

MAGSASAGAWA agad na apat na laro ang Philippine Basketball Association (PBA) sa araw ng Martes, Nobyembre 3.

 

Kasunod ito sa pagpayag ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na ituloy na ang mga laro matapos na wala ng lumabas na positibo sa coronavirus.

 

Sa pinakahuling COVID-19 testing ay nagnegatibo lahat ng mga manlalaro at coaching staff ng 12 koponan na nasa bubble sa Angeles City, Pampanga.

 

Magsisimula ang laro ng 10 ng umag sa pagharap ng San Miguel Beermen kontra Blackwater na susundan ng Terrafirma laban sa Phoenix ng 1 ng hapon na susundan ng alas-4 ng hapon sa laban ng NorthPort at TNT Tropang Giga at haharapin ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra dakong 6:45 ng gabi.

 

Sa kabuuan ay mayroong apat na laro na isasagawa hanggan sa pagtatapos ng eliminations sa Nobyembre 11.

 

Tiniyak ng PBA na mas paiigtingin nila ang ipinapatupad na protocols at Mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa IATF at National Task Force.

 

Magugunitang nitong Biyernes ay kinansela ang mga laro matapos na magpositibo ang ilang manlalaro at referee habang nasa bubble game.

Other News
  • Malakanyang, binuksan ang grounds sa publiko para sa Misa De Gallo, iba pang Christmas activities

    BINUKSAN ng Malakanyang sa publiko ang grounds nito para sa panahon ng Pasko kung saan ang lahat ay maaaring mag-enjoy ng iba’t ibang aktibidad kabilang na ang Misa De Gallo.       Nagsimulang buksan sa publiko ang palace grounds ngayong araw ng lunes, Disyembre 16 hanggang Disyembre 23, mula alas-6 ng gabi hanggang alas-11 […]

  • Unang safety seal sa food company, iginawad ng DOLE

    Personal na iginawad ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang unang safety seal certification ng labor department sa CDO Foodsphere, Inc. noong Hunyo 18, 2021 sa Valenzuela City.     Ang CDO Foodsphere, Inc., na ang pangunahing produkto ay CDO easy to cook homemade meal, ang unang manufacturing company sa Pilipinas na ginawaran ng […]

  • DoF, aware sa $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals

    HINDI lingid sa kaalaman ng Department of Finance (DoF) ang $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals sa bansa mula Disyembre 2019 hanggang Pebrero ng taong ito.   Sinabi ni Department of Finance Asec. Tony Lambino sa Economic Briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang na inireport na ng […]