• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Gumawa ng paraan para mabakunahan lahat’

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na maghanap ng mabisa at sistematikong paraan para matukoy kung sino sa kanilang mamamayan ang hindi pa naturukan ng COVID-19 vaccine.

 

 

Sa kanyang “talk to the nation” nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gawin lahat ng mga LGU ang kanilang makakaya para mabakunahan ang kanilang mamamayan.

 

 

Ipinagmalaki pa nito noong siya ang alkalde sa Davao ay may paraan itong ipinatupad upang sumunod ang mga tao sa kaniya.

 

 

Depende lamang aniya sa pakikitungo ng alkalde sa kaniyang mamamayan lalo na at may ibang mga ibang barangay officials ang hindi niya kaalyado.

 

 

Binalaan din ng pangulo ang mga hindi susunod sa mga protocols na itinakda ng LGU na mahaharap ang mga ito sa kaso. (Daris Jose)

Other News
  • TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST

    NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.   Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 […]

  • Gilas Pilipinas nasa Bahrain para sa FIBA Asia qualifiers

    Nasa Bahrain na ang Gilas Pilipinas para pakikibahagi ng second round ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.   Pinangunahan nina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Matt at Mike Nieto, Kobe Paras, Javi Gomez de Liano, Justine Baltazar, Juan Gomez de Liano, Dwight Ramos, Will Navarro, Dave Ildefonso, Calvin Oftana at Kenmark Carino.   Tiwala […]

  • Kerwin ibinunyag si ex-PNP chief Bato ang nag-‘pressure’ para idiin si De Lima, Lim sa illegal drug trade

    IBINUNYAG ng umano’y drug lord na si Rolan “Kerwin”Espinosa na prinessure umano siya ni noon ay Philippine National Police chief, at ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, noong 2016 na aminin na sangkot ito sa illegal drug trade at isangkot ang ilang high-profile individuals, kabilang na sina dating Senador Leila de Lima at businessman […]