• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP chief sa mga courier services:’Kilatisin mabuti ang mga rider’

Pina-alalahanan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga delivery at courier service companies na kilatisin muna ng mabuti ang kanilang mga kinukuhang delivery riders para masigurado na hindi nagagamit ang kanilang kumpanya sa mga iligal na transaksiyon at lalo na ang paghahatid ng mga kontrabando.

 

 

Hinimok naman ng PNP ang mga delivery at courier companies na agad ipagbigay alam sa mga awtoridad sakaling may matunugan silang ganitong mga modus nang sa gayon agad ito maaksiyunan.

 

 

Magugunita na isang delivery driver ang naaresto ng mga tauhan ng PNP at PDEA sa ikinasang buybust operation sa Barangay 84 Caloocan City. Nakilala ang suspek na si Arturo Dela Cruz, 38-anyos.

 

 

Nakumpiska sa kaniyang posisyon ang nasa 500 grams na shabu na nagkakahalaga ng P3.4-M.

 

 

Inatasan na rin Eleazar ang PDEG na imbestigahan ang nasabing kaso para malaman ang operasyon ng suspek. Inaalam na rin ng PNP kung sino ang supplier ng suspek at kung saan nito idi-deliver ang nasabing iligal na droga.

 

 

Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng PDEA ang suspek at nahaharap sa kasong illegal drugs.

 

 

Pinuri naman ni Eleazar ang matagumpay na joint operations ng PNP at PDEA.

Other News
  • Nakipagbarilan, magtiyuhin tigbak sa parak sa Malabon

    Todas ang isang 53-anyos na lalaki at kanyang pamangkin matapos makipagbarilan sa rumespondeng mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang nasawing mga suspek na sina Nolito Cimanes, alyas “Koping” at kanyang pamangkin na si Manuel Cimanes, 34, construction worker at kapwa ng 444 […]

  • Nang mapanood ang movie nila ni Julia: ALDEN, ilang minutong ‘di nakapagsalita at naluha

    AMINADO si David Licauco na noong bata pa, hindi naman daw niya naisip na magiging artista siya kaya hindi niya rin masabi na pinangarap niyang talaga ang maging action star.       Pero, mahilig na raw siyang manood ng mga action films.       “Siguro growing-up, pangarap kong maging Jackie Chan or Jet […]

  • Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy

    Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.     Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila.     Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson. […]