56 Valenzuelano nakatanggap ng libreng bisikleta, livelihood aid
- Published on October 28, 2021
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) ang BikeCINATION Project at provision ng e-Loading livelihood assistance kung saan 56 beneficiaries ang ginawaran nito.
Sa tulong ng City’s Public Employment Service Office (PESO), 56 na benepisyaryo ang sumailalim sa social preparation training para matiyak ang sustainability ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng proyekto.
Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga displaced worker na apektado ng health at economic crisis dahil COVID-19 pandemic, mga out-of-school youth, at persons with disabilities (PWDs) kung saan fully vaccinated na rin ang mga ito.
Sila ay nakatanggap ng libreng bisikleta na may insulation bag, protective helmet, reflective vest, bike rack, water bottle, smartphone, at electronic load wallet na may P5,000 halaga ng load para suportahan ang kanilang delivery start-ups.
Dumalo sa awarding ceremony si Mayor REX Gatchalian kasama sina Atty. Marion Sevilla, DOLE-NCR Assistant Regional Director, DOLE CAMANAVA Field Office Director Rowella Grande, DOLE-CAMANAVA Senior Labor Officer G. Ronald del Rosario, at Livelihood Coordinator G. Carlo Gatchalian.
Hinikayat naman ni Ms. Carole Malenab, Public Affairs Manager ng GRAB Philippines, ang mga benepisyaryo na mag-apply bilang mga GRAB freelancer sa buong Lungsod gamit ang kanilang mga bagong bisikleta bilang karagdagang pinagkukunan ng kabuhayan.
Ang DOLE BikeCINATION ay isang espesyal na proyekto sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program na naglalayong sugpuin ang epekto ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay-insentibo sa informal sector workers sa A4 category na nakakumpleto ng dalawang dosis ng COVID-19 vaccines.
Target din proyekto na hikayatin ang informal sector workers na magpabakuna upang makatulong sa paglaban ng bansa sa pandemyang ito. (Richard Mesa)
-
1,992 pangalan, pinasisilip ng Kamara sa PSA
HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Philippine Statistics Authority (PSA), na beripikahin ang civil registry records ng 1,992 indibidwal na sangkot sa P500 milyong confidential funds na ginastos umano ng Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng pamunuan ni Vice President Sara Duterte. “May we […]
-
Espiritu 4 Fil-Am sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021
ISA sa mga inaasahang patok sa nakatakdang Virtual 36th Philippine Basketball Association Rookie Draft 2021 sa Marso 14 ay si Troy Rike at ang tatlo pang kapwa niya Filipino-American. Ito ang ipinahayag kamakalawa PBA players agent Marvin Espiritu, hinirit na bukod sa 6-foot-8 cager na produkto ng Wake Forest University sa USA at […]
-
PDU30 hinikayat ang mga survivors ng bagyong Odette na huwag gamitin sa bisyo ang cash aid mula sa gobyerno
HINIKAYAT President Rodrigo Roa Duterte ang mga survivors ng bagyong Odette na umiwas at huwag gamitin ang cash assistance ng gobyerno sa bisyo. Ang mga low-income residents ng mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette ay makakakuha ng P1,000 na cash aid mula sa national government. Hanggang 5 miyembro ng pamilya ang makakakuha ng […]