Espiritu 4 Fil-Am sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
ISA sa mga inaasahang patok sa nakatakdang Virtual 36th Philippine Basketball Association Rookie Draft 2021 sa Marso 14 ay si Troy Rike at ang tatlo pang kapwa niya Filipino-American.
Ito ang ipinahayag kamakalawa PBA players agent Marvin Espiritu, hinirit na bukod sa 6-foot-8 cager na produkto ng Wake Forest University sa USA at National University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), ang iba pa ay sina 6-5 forward Tyrus Hill, swingmen 6-2 Joshua torralba at six-footer Franky Johnson.
Pinanapos ng nakababatang Espiritu na pinaplantsa na rin ang mga kontrata ng kanyang mga player katulad nina Rashawn McCarthy, Prince Caperal, Paul Varilla, Kyle Pascual, Trevis Jackson at Chris Javier sa kani-kanilang mga koponan sa propesyonal na liga.
Magbubukas ang 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9. (REC)
-
Valenzuela LGU, nag-turnover ng 33 bagong rescue boats at 2 water filtration truck
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Valenzuela, ang lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, ay nag-turnover ng 33 fiber-made rescue boats—isa sa bawat barangay—upang palakasin ang rescue response ng lungsod sa panahon ng bagyo at baha. Sinisiguro nito na ang bawat barangay sa Valenzuela ay handa sa tuwing […]
-
Saso trangka pa sa LPGA Tour of Japan
PUMUWESTO lang sa 11 magkakatabla sa ika-29 na puwesto si Yuka Saso sa 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu nitong Linggo. Pero hindi lang iyon upang mamantine niya ang liderato sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan ranking dahil nagrasyahan pa rin ang 19-year-old Fil-Japanese […]
-
Handog ng ‘Tadhana’ ang three-part 5th anniversary special: MARIAN, buong puso ang pasasalamat sa mga walang sawang sumusubaybay
IBA ang dating talaga ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagganap niya bilang isang Gen Z, si Maria Clara o si Klay, sa historical drama portal ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra”, napapanoood pagkatapos ng “24 Oras.” Gabi-gabi ay nagti-trending ang nasabing bagong proyekto ni Direk Zig Dulay, at hindi pwedeng mawala sa […]