• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIBAKAN SA PHILHEALTH, IMMIGRATION ASAHAN SA DISYEMBRE – DUTERTE

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang mga empleyado ng PhilHealth at Bureau of Immigration ang masisibak sa trabaho sa Disyembre.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte, mayroon pang susunod na round ng sibakan sa Disyembre partikular sa dalawang tanggapan na talamak pa rin ang korupsyon.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, marami pa ang mawawalan ng trabaho, marami ang matatanggal sa gobyerno, marami ang makakasuhan at marami ang makukulong.

 

Ikinadidismaya ni Pangulong Duterte ang “pastillas scheme” sa Bureau of Immigration (BI) kung saan nagbabayad ng pera ang nga Chinese para ilegal na makapasok sa bansa.

 

Pinag iinitan din ni Pangulong Duterte ang P15 billion anomalya sa PhilHealth.

 

“So, mayroon pa. The next round is will be by December. Many will lose their jobs, many will be separated from government, many will face prosecution, and many will go to jail, iyan ang sabihin ko,” ani Pangulong Duterte.

 

Una rito, isa-isang binasa kagabi ni Pangulong Duterte ang pangalan ng 21 na opisyal na ng PhilHealth na sinuspinde habang 44 naman sa Immigration. (Ara Romero)

Other News
  • TBA Studios Brings Brendan Fraser’s Much Talked-About Comeback Movie “The Whale” to PH Cinemas

    BRENDAN Fraser’s highly anticipated and much talked-about comeback movie, “The Whale”, is coming to the Philippines this February 22.   The actor, who’s known for his leading man roles in films like “Bedazzled”, “George of the Jungle”, and the mega blockbuster franchise “The Mummy”, was in a decade long hiatus when Academy Award-winning director, Darren […]

  • Ads September 29, 2022

  • Tres Marias huli sa P1.3M droga

    ARESTADO ang tatlong “maria” na sangkot umano sa iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.   Unang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Selling, Distribution and Transportation of Dangerous Drugs, Illegal Possesion of Dangerous Drug ang mga suspek na sina Asia Ambang, alyas Madam, 30, nakatira sa Golden […]