• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Leader ng “Ompong Drug Group” nalambat sa buy bust sa Navotas

MAHIGIT sa P1.2 milyon halaga ng ilegal na droga at baril ang nasamsam ng mga awtoridad sa leader ng isang “notoryus drug group” matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rodolfo Reyes alyas “Ompong”, 43, leader umano ng notoryus na “Ompong Drug Group”, miyembero ng sputnik at residente ng  Block 13, Brgy. Longos Malabon City.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr., dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLT Luis Rufo Jr., kasama ang SWAT team at Intelligence Section ng Navotas police ng buy bust operation sa C3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran.

 

 

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 10.14 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,952, nasa 9,500 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P1,140,000.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 11 pirasong P1,000 boodle money, ingram X9 shooter, magazine, 5 pirasong bala ng 9mm, motorsiklo, digital weighing scale, cellphone at pocket notebook.

 

 

“Hangad namin ang patuloy na kaayusan at matahimik na CAMANAVA at ang  kapulisan ng NPD  ay gagawin ang makakaya sa pamamagitan ng paglunsad ng serye ng intensibong operasyon para masugpo ang illegal na droga at kriminalidad,” ani BGen. Hidalgo. (Richard Mesa)

Other News
  • Matapos magdesisyong hiwalayan ang asawa: CAI, walang natatatanggap na child support kaya kayod-marino

    TOTOO pala na hiwalay na ang komedyanteng si Cai Cortez sa Tunisian husband nito na si Wissem Rkhami.     Kinasal ang dalawa noong 2016 at meron silang dalawang anak. Ayon sa kuwento ng aming source, taong 2021 daw noong magkaroon ng problema sa pagsasama ng dalawa na nauwi na sa hiwalayan.     Sa […]

  • Bukod kina Dingdong at Julie Anne na napili: BARBIE, labis na napahanga si Mr. M kaya gustong makatrabaho

    SI Johnny Manahan o si Mr. M ay isang consultant sa GMA Sparkle Artist Center, at director din ng ongoing singing contest na “The Voice Generations” hosted by Dingdong Dantes.      At si Julie Anne San Jose naman ang isa sa apat na coaches na kinabibilangan din nina Chito Miranda, Billy Crawford at Stell […]

  • PAPAKONDISYON SI PAGDAGANAN

    IHAHANDA na ni Bianca Pagdaganan ang sarili para sa malaking laban sa murang propesyonal na karera sa nakatakdang $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas sa Disyembre 10-13.   Magpapakondisyon ang 23-taong gulang na bagitong Pinay sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, […]