• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAPAKONDISYON SI PAGDAGANAN

IHAHANDA na ni Bianca Pagdaganan ang sarili para sa malaking laban sa murang propesyonal na karera sa nakatakdang $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas sa Disyembre 10-13.

 

Magpapakondisyon ang 23-taong gulang na bagitong Pinay sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, ang 8th Volunteers of America Classic 2020 sa The Colony, Texas din simula ngayong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

 

Ikawalong torneo na sa taong ito ng tubong Quezon City na lahat naman ay napasahan niya ang cut kabilang ang pagsosyo sa ikasiyam na puwesto sa LPGA Tour major, ang 58th Women’s PGA Championship sa Pennsylvania nitong Oktubre na nagbigay sa kanya ng puwesto sa US Open.

 

Magiging reunion nila ni LPGA of Japan Tour campaigner Yuka Saso ang US Open makaraang balikatin ang Pilipinas sa women’s team gold medal sa Indonesia 18th Asian Games 2018 kung saan si Saso rin ang nag-gold sa individual at bronze si Pagdanganan.

 

Pero ang muling pagkikita sa Estados Unidos ng top pro golfers ng ‘Pinas ay hindi na magkakampi kundi magkaribal para sa indibidwal na karangalan sa malaking entablado ng kompetisyon na isa pinakaprestihiyo sa kasaysayan, at premyo katapat ang mga astig na manlalaro ng imundo.

 

Huling kompetisyon ni Pagdanganan ang 11th Pelican Women’s Championship 2020 sa  Pelican Golf Club sa Florida nitong Nobyembre 22 kung saan tumabla sa ika-34 na puwesto at nakapagsubi ng $9,106 (P439K).

 

Ang 19-anyos na Filipina-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan na si Saso naman ay sa 48th Japan LPGA Tour Championship Ricoh Cup 2020 sa Miyazaki Prefecture nitong Nob. 27 na rito’y sumalo siya sa pang-anim at biniyayaan ng ¥4,638K (P2.1M). (REC)

Other News
  • Sen. Kiko Pangilinan tatakbo bilang VP ni Leni Robredo sa 2022

    Opisyal nang kakandidato sa pagkabise presidente para sa susunod na taon si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, sa pagkakataong ito sa ilalim ng slate ni Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo naman sa pagkapangulo.     Sinamahan si Pangilinan ni Robredo sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy sa pagkabise sa Comelec, Biyernes, ang pinakahuling araw […]

  • Pope Francis, pangungunahan ang 1-mo. global rosary vs COVID-19

    Pangungunahan ni Pope Francis ang global rosary marathon para matigil na ang COVID-19 pandemic.     Ayon sa Pontifical Council for the Promotion of the New Evangelization na mismo ang Santo Papa ang nagdesisyon na pangunahan ang pagdarasal sa buong buwan ng Mayo.     Sisimulan ng Santo Papa ng pagdarasal ng rosary sa Mayo […]

  • RENOVATION NG MANILA ZOO, ‘MALI’ NGAYONG PANDEMYA: ATTY. LOPEZ

    MAY tamang panahon ang pagsasa-ayos ng may limang ektaryang Manila Zoo, sabi ni Atty. Alex Lopez, pero hindi ngayong patuloy pa rin ang peligro ng nakamamatay na pandemyang Covid-19.     Sinabi ito ng kandidatong alkalde ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa mga mamamahayag kasunod ng balita na ginawang vaccination site ang Manila Zoo […]