• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn na-scam, natuto nang leksyon

Sinong mag-aakalang na-scam na si Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Sa isang press conference ay inamin ni Diaz na minsan na siyang nabiktima ng scammer matapos niyang makakuha ng cash incentives sa pagbuhat sa silver medal sa women’s weightlifting noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

 

 

Umaasa ang 30-anyos na national weightlifter na maibabahagi niya sa iba pang atleta ang kanyang eksperyensa.

 

 

“I’m hoping na matuto tayo. Matuto tayo sa mga pagkakamali natin at pagkakamali ng mga kasama natin,” wika ng tubong Zamboanga City.

 

 

Milyun-milyon ang natanggap na cash incentives ni Diaz matapos kunin ang kauna-unahang gold medal ng Pinas sa nakaraang 2021 Tokyo Olympics.

 

 

Ngayon ay alam na ni Diaz ang kanyang gagawin sa mga natanggap na halos P56 milyong insentibo, mga house and lots, condominium units at kotse.

 

 

Ang pag-iipon ang unang payo ni Diaz sa mga kapwa niya national athletes.

 

 

“Para sa akin, mag-ipon tayo kasi hindi tayo forever na atleta. Suwerte na lang magtagal tayo,” ani Diaz. “Di ba may kasabihan na nasa huli ang pagsisisi, pero huwag tayong ganoon.”

 

 

Nakatakdang sumabak si Diaz sa 2021 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships sa Disyembre sa Tashkent, Uzbekistan.

Other News
  • JBIC, hangad ang partnership sa energy sector ng Pinas, nagpahayag ng interest sa Maharlika fund

    HANGAD ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na makatuwang  ang mga kompanya ng Pilipinas pagdating sa energy development .     Nagpahayag din ang JBIC ng interest sa  newly-passed Maharlika Investment Fund (MIF).     Nagpahayag ng interest ang JBIC para sa  energy tie-ups sa kompanya ng Pilipinas sa isinagawang courtesy call ni JBIC […]

  • Pascual mag-iiwan ng bakas

    DUMADALANGIN si San Beda High School Red Cubs team captain Jose Miguel Pascual  na maidaraos ang 96th National Collegiate Athletic Association (NCAA) juniors boys basketball tournament 2020-21 upang maging makulay ang pag-eksit niya   Huling taon na 19 na taong gulang at 5-11 ang taas na point guard para sa Mendiola-based squad dahil magtatapos na siya […]

  • Terorismo sa Pinas, bumaba na

    IPINAGMALAKI  ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon.       Ayon kay Galvez, 2018 nang laganap ang kidnapping sa bansa lalo na sa Mindanao subalit unti-unti itong nasasawata noong 2021 hanggang ngayon. Dahil sa pagbaba […]